^

Pang Movies

Gabby, nilinaw ang pagkaudlot ng concert nila ni Sharon!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gabby, nilinaw ang pagkaudlot ng concert nila ni Sharon!
Gabbi at Sharon

Handang-handa na si Gabby Concepcion sa US and Canada concert nila ni Sharon Cuneta ngayong October and November.

Yes, ang very successful Dear Heart concert nina Gabby and Sharon noong Oct. 27, 2023 sa SM MOA Arena ay dadalhin na sa US and Canada at bongga dahil 8 shows ang nakatakda nilang gawin doon.

They’ll be having on Oct. 26 at Harrah’s Resort Southern California, Oct. 27 at Saban Theatre in California, Nov. 2 at The Meeting House in Canada, Nov. 15 at Thunder Valley Casino Resort in Canada, Nov. 17 at Westgate Las Vegas Resort & Casino in Las Vegas, Nov. 21 at Club Regent Events Centre in Canada, Nov. 23 at Hawaii Convention Center in Honolulu and Nov. 29 at Chandos Pattison Auditorium in Canada.

Sey nga ni Gabby sa pocket presscon niya kahapon, maging siya ay nagulat sa dami ng kanilang shows.

“Nakakagulat nga, eh. This is my first time na makaka-experience ng ganito karaming shows,” aniya.

Doon na nga raw siya magdiriwang ng kaarawan on Nov. 5 pero wala naman daw celebration since nasa tour nga raw siya.

Matatandaang dapat ay may part 2 ang Dear Heart last February dito sa Pilipinas at marami na nga ang nag-abang nito pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Sa nasabing panayam ay ipinaliwanag ni Gabby kung bakit hindi ito natuloy.

“Ang mahirap sa lahat ay ‘yung orchestration ng show. Ang daming involved – venue, producers, mga musicians, artists. May kanya-kanya kasing schedule silang lahat. Eh pagtutugma-tugmain mo sa isang araw. Napakahirap.

“Kaya hindi rin natuloy ‘yung February (concert), schedule lang talaga saka venue,” paliwanag ni Gabby.

Natanong si Gabby kung magge-guest din ba ang anak nila ni Sharon na si KC Concepion sa US and Canada shows dahil matatandaan ngang naroroon ito sa first concert last year.

“I was hoping, pero based on the schedule, parang wala sya do’n. It would be nice sana kung kasama siya,” sey ng aktor.

Biro pa niya, gagawin na lang niyang PA (personal assistant) si KC at isasama niya sa concert.

Nakumusta rin si Gabby sa friendship nila ni Sharon after the MOA concert at pag-amin ng aktor, “well, hindi ko naman inaasahan of course na magiging tulad ng dati pero at least, napag-uusapan namin, nag-uusap na rin kami about certain things na hindi namin napag-uusapan noon.”

Basta sey ni Gabby, looking forward siya na mag-enjoy sa kanilang US and Canada tour at sana raw ay mag-enjoy din ang mga  manonood.

Nanay ni Gerald, humihingi na ng apo sa kanila ni Julia!

Viral ang video ngayon ng birthday celebration ng ina ni Gerald Anderson na ginanap sa Gen. Santos City.

Sa nasabing event nga ay kasama rin ni Gerald ang girlfriend na si Julia Barretto.

Sa kumalat na video ay mapapanood na nagbibigay ng mensahe si Gerald para sa kanyang nanay.

Sey ng aktor,  “Happy Birthday. We wish you the best, Ma. Thank you sa all the years na pag-aalaga sa amin. Salamat dahil inalagaan mo kami.”

“Alam namin na ibibigay mo ang lahat para sa amin at ibibigay din namin ang lahat para sa iyo. Lahat ng gusto mo ibibigay namin. Pero kapag hindi naman namin kaya, huwag ka na magtampo,” saad pa ng boyfriend ni Julia.

Sumagot naman ang ina ni Gerald na wala naman daw siyang hinihingi ng hindi kaya ng anak niya pero may isa siyang hiling.

“Hindi naman nanghihingi si Mama na hindi niyo kaya, eh. I’m having a little bit… So I’m asking you, give me a…” ang sabi ng nanay ng aktor na hindi na itinuloy ang karugtong dahil nakita niyang nakatingin sa kanya ang lahat.

Nagtawanan naman sina Gerald at Julia pati na ang mga bisita sa sinabi ng ina ni Gerald. Ang feeling nila ay apo ang hinihingi ng momsky ng aktor.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with