Claudine, humiling ng dasal para sa inang may lupus
Humihingi ng dasal si Claudine Barretto sa kanyang fans para sa kanyang inang si Mrs. Estrella Barretto or Mommy Inday na kasalukuyang nakaratay sa hospital.
Sa kanyang Instagram post kahapon ay ipinakita ng aktres ang hospital room ng 87-year old mom sa St. Luke’s Medical City in Bonifacio Global City (BGC) at ibinahagi na mahigit isang linggo na raw itong naka-confine.
She also revealed na may Lupus ang kanyang mommy at humiling sa kanyang Palanggas (tawag niya sa kanyang fans) na ipagdasal ito.
“Mom we luv & need u dearly.Pls get well soon,” simula ni Claudine.
“Palanggas pls pray for my Mom more than a week na sya sa hospital& is 87years old with Lupus.i need all your prayers pls.she is the only parent i have left,” pakiusap ng aktres.
“I have been checking & taking care of her together with my kuyas Mito & @jjbarretto my Ate Michie & sister in law connie,” patuloy niya.
Ayon pa kay Clau ay malaki na raw ang ipinayat niya dahil hindi siya nakakatulog at nakakakain kaya humihiling din siya sa fans na ipagdasal din siya.
“Thank you po sa inyong lahat isama nyo na rin po ako sa prayers nyo i havent been eating & im fown to 97pounds & i haven’t been sleeping.Godbless you all & your families as well,” pahayag ni Claudine.
Sa comment section ay marami ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala at nagpadala rin sila ng praying hand emojis.
Catriona, nagbigay ng payo matapos manakawan sa London
Nasa Pilipinas na nga ngayon si Catriona Gray matapos manakawan ang sasakyan nila sa London kamakailan.
Nagbigay ng update ang beauty queen at sinabing dahil sa nangyari ay nagkaroon siya ng tension at takot kapag lumalabas siya ng bahay.
“Rewrote a little bit of my London narrative these last few days. Since coming back since the robbery incident, I have a new found tension when I step outside, a new anxiousness with my surroundings and belongings,” saad ni Miss Universe 2018.
“But I just wanna share some of the things I learned (hopefully to spare anyone else the same experience)…
“Things are just things and things can be replaced. Family and their safety is the most important thing,” paalala ni Catriona sa publiko.
Nagbigay rin siya ng payo at babala sa netizens kapag nagpa-park sa public place sa London.
“Don’t place your trust in any paid parking facilities in London City - may they boast CCTV, security etc. Even in the middle of the day for a few hours. We made this mistake and wish we hadn’t. Always take your passports and important medications with you,” aniya.
Nagpasalamat din ang beauty queen sa lahat ng nag-alala sa kanyang magulang, gayundin sa mga tumulong sa kanyang pamilya para sa madaliang pag-ayos ng kanilang dokumento.
“I’m so so grateful to everyone who reached out to my parents and I to see if we were okay. And to the people who helped my family and I, who helped with the travel arrangements, to sourcing a doctor for my dads important medications and to just giving comfort and help. Truly am so so thankful,” she said.
“At first I felt that the robbery and the stress that ensued blotted out the joy and happy memories from the special homecoming trip of my dad. But I decided I won’t let the thieves steal that too. Stay safe everyone,” pagtatapos ni Catriona.
- Latest