^

Pang Movies

Julie Anne, may pinag-iipunan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julie Anne, may pinag-iipunan
Julie Anne

Sunud-sunod ang proyekto ni Rayver Cruz ngayon kaya naman sobrang happy ang aktor lalo na nga’t makakasama na naman niya ang girlfriend na si Julie Anne San Jose sa isang proyekto.

Nagbabalik kasi ang JulieVer bilang Clash Masters sa 6th season ng The Clash. Bukod dito, napapanood din si Rayver sa seryeng Asawa ng Asawa Ko at sa All-Out Sundays ng GMA network plus may movie rin siyang ginagawa.

“Sobrang nakakatuwa po ‘yung blessings na dumarating sa amin, sa JulieVer,” sey ng aktor nang makausap namin sila ni Julie Anne sa mediacon ng The Clash 2024 last Sunday.

Biniro nga siya ng press na mukhang nag-iipon na siya para sa future nila ni Julie Anne at inamin naman niya ito.

“Totoo naman po na nag-iipon na talaga ako para sa future naming dalawa,” pag-amin ni Rayver.

“Wala naman akong ibang ise-share ang future ko kundi sa kanya lang,” dagdag pa niya.

When asked kung kailan ba ito mangyayari, sey ni Rayver ay gusto niyang sorpresahin siyempre si Julie Anne (sa proposal) kaya hindi niya sasabihin kung kailan.

“Kasi ‘pag sinabi ko ngayon, hindi na siya masu-surprise,” natatawa niyang sabi, “pero alam naman niya na siya ‘yung gusto kong makasama habang buhay.”

Natanong naman namin si Julie Anne kung may inkling or kutob ba siya kung kailan magpo-propose sa kanya si Rayver.

“Sometimes, it crosses my mind but minsan, ano, eh, shina-shrug off ko na lang kasi again, gusto ko nga rin ma-surprise. Hindi pa naman ako kinukutuban,” sey niyang natatawa.

Hirit naman ni Rayver, “maganda ‘yung ganyan para ma-surprise siya.”

Ayon pa sa aktor, wala pa raw definite date talaga pero ulit niya, wala naman daw siyang ibang pakakasalan kundi si Julie Anne.

Samantala, bilang hosts ng The Clash 2024 , ayon kay Rayver ay mas intense raw ang competition ngayon.

“Dapat abangan ang bagong batch ng Clashers. Napakinggan na namin sila at ang masasabi ko lang ay magkakaroon ng matitinding labanan talaga ngayon sa The Clash 2024,” aniya.

Sey naman ni Julie Anne, mas exciting daw ang 6th season na ito dahil may twists na magaganap.

“This 2024, panibagong pagsubok ang haharapin ng ating clashers. Mas nakakakaba at kakaibang twists sa clash arena ang sasalubong sa kanila. Exciting ito dahil 6th season so ang The Clash at panibagong champion ang dadagdag sa ating breed of Kapuso singers,” she said.

Makakasamang muli nina JulieVer sa The Clash sina AiAi delas Alas, Christian Bautista and Lani Misalucha bilang Clash Panels. Magsisimula na ito ngayong Sept. 14, 7:15 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with