^

Pang Movies

Rebecca Chuaunsu, naka-3 Best Actress na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Rebecca Chuaunsu, naka-3 Best Actress na!
Rebecca Chuaunsu

Ang galing ng pagkagawa ng pelikulang Her Locket, isang family-drama movie, na nag-uwi ng walong parangal sa katatapos na Sinag Maynila Film Festival 2024.

Napanood namin ito noong isang gabi, sa last screening sa Sinag Maynila, at sa totoo lang, deserve nila ang naiuwing mga tropheo.

Ito ay produced at pinagbidahan ng Fil-Chinese businesswoman na si Rebecca Chuaunsu ng Rebecca Chuaunsu Film Production, sa pakikipagtulungan ng Rebelde Films.

Kabilang sa kanilang mga napanalunan ang mga sumusunod:

Best Film; Best Actress - Rebecca Chuaunsu; Best Suppor­ting Actress - Elora Españo; Best Ensemble; Best Director - J. E. Tiglao; Best Screenplay - J. E. Tiglao and Maze Miranda; Best Cinematography - Jag Concepcion and Best Production Design - James Rosendal.

Mahusay ang pagkakaganap ni Filipino-Chinese actress na maaalala sa kanyang personalidad si Mother Lily Monteverde, sa papel bilang Jewel Ouyang, na nauna nang nanalong Best Actress mula sa Wu Wei International Film Festival sa Taiwan (na ginanap noong Setyembre 1) at 2023 Festival International du Film Transsaharien de Zagora sa Morocco.

Ang pelikula ay nagtatampok din kina Elora Españo (bilang Teresa, ang caregiver); Boo Gabunada (bilang Kyle, anak na abogado ni Jewel); Sophie Ng (batang Jewel); at Benedict Cua (young Magnus, kapatid ni Jewel).

Maayos nilang nailahad ang kuwento – na sa tulong ng isang kwintas na may locket ng may edad na Tsino kasama ang kanyang caregiver ay unti-unti niyang naibalik at natandaan ang mga alaala mula sa nakaraan.

Kwento niya (Ms. Rebecca) sa entertainment writers na dumalo nu’ng Martes ng gabi, “This has been a very difficult journey because when we were doing the pre-production stage, we were still in pandemic. Everything was done via Zoom and then my husband got sick. And then during the production stage, my husband got very ill, he got hospitalized at the ICU. And during the post production stage, when we were doing the subtitles, he passed away.”

Ganunpaman, sobra umano siyang nagpapasalamat dahil malaking tulong ang paggawa niya ng Mandarin subtitles ng pelikula sa pagmo-move forward niya sa pagkawala ng mister na si John.

Hindi ito ang kauna-unahang pelikula ni Rebecca. Naka­gawa na rin siya ng iba pang mga proyekto tulad ng Wagas (2003) at Sitsit (2020).

Hindi man daw niya pinangarap na mag-uwi ng kabi-kabilang best actress trophies, aminado naman siya na pinangarap talaga niyang maging aktres.

Anyway, bale passion project ito ni Rebecca dahil inspired ang Her Locket ng kuwento ng kanilang pamilya.

Ang istorya nito ay umiikot sa isang babaeng may dementia na bumabalik ang matatamis at masasakit na alaala tuwing suot ang locket na may litrato ng kanyang Tsinong ina, ama at kapatid.

Puring-puri ng press ang ganda ng pelikula mula sa matinong direksyon ni Direk J.E. hanggang sa mahusay na pag-arte ng mga artista.

Touching ang message ng pelikula sa usapin ng pagmamahal at pagpapatawad. Mapapaisip ka rin sa irony involved sa pag-alala’t paglimot ng isang may dementia sa nakaraan niyang may kakambal na saya’t kirot.

Nang tanungin kung ano pa ang plano niya para sa Her Locket, sinabi ni Rebecca na, “We will still continue to bring this abroad, to the regionals also, to the school campuses and for the next five years with Sinag Maynila.”

Kung may pinagbago man daw sa buhay niya ngayon dahil sa tagumpay ng Her Locket, ayon sa aktres/produ, ito ay may kinalaman sa pagtitiwala at pananampalataya.

Ang pelikula ay naimbitahan ding makilahok sa San Diego Film Festival (USA) sa darating na Oktubre 2024.

Kumpanya ng beauty products, nagtapon ng pera sa singer / actress

Ayaw nang magbayad ng millions na talent fee ng CEO ng isang kumpanya ng beauty products.

Hindi na raw effective ang ibang mga celebrity. Kahit daw ibang influencers, hindi na mabenta.

Mas gusto na lang daw niya ngayong gastusan ang mga produkto niya kesa magbayad ng milyones sa mga celeb.

Saka naalala niyang may isa kasi silang kinuhang endorser na binayaran nila ng milyones pero biglang nag-pandemic. Paid na at hindi naman naka-stipulate sa contract ni singer / actress na hold muna ang contract niya habang may pandemya. Kaya nasayang daw ang ibinayad nila dahil hindi naman natupad ang mga nakasaad sa contract.

Hindi rin naman diumano naging considerate ang singer / actress at natapos na lang na hindi nila napakinabangan.

Sa ngayon ay andyan pa rin ang nasabing kinuha nilang endorser pero wala man lang daw naalala na may hindi siya natupad na kontrata noong pandemya.

vuukle comment

REBECCA CHUAUNSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with