Gabbi at Ruru, may balikan
Napa-react pala ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa ‘Kalokalike’ ni Ruru Madrid.
Sumagot ang aktres sa sinabi ng ka-lookalike ng aktor na contestant sa Kalokalike segment ng noontime show na It’s Showtime.
Maaalala kasing nag-namedrop ang Kalokalike ni Ruru nang pabirong tanungin ng It’s Showtime host na si Vice Ganda kung sino ang pinag-awayan nilang celebrities at sinabi nitong “Gabbi” na kinaloka rin ng aktres na si Bianca Umali na kasalukuyang karelasyon ni Ruru.
Pabirong sinabi ni Gabbi na feeling daw niya ay ang aktor na si Gabby Concepcion talaga ang tinutukoy ng contestant at parang hindi naman daw siya.
Pero masaya raw siya para kina Ruru at girlfriend nitong si Bianca Umali at masaya siya na makita ang mga itong masayang magkasama.
Maaalala rin kasing nagkaroon ng relasyon sina Ruru at Gabbi bago naging karelasyon ni Ruru si Bianca na inamin ng aktor sa programa ni Boy Abunda.
Naging magka-loveteam din sina Ruru at Gabbi sa Encantadia noon bilang sina Ybrahim at Alena at ngayon ay magiging magka-loveteam na ulit sila.
Nakakatuwa nga raw balikan ang karakter nila pagkatapos ng walong taon. Nakaka-throwback lang daw.
Nag-catch up nga raw silang dalawa sa taping ng Sang’gre at natutuwa silang nagkaroon ng reunion ang lahat.
Bongga.
- Latest