^

Pang Movies

Marvin at Dingdong, ginagamit sa pambubudol

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Marvin at Dingdong, ginagamit sa pambubudol
Marvin Agustin

Ang tindi talaga ng raket sa internet. Noong isang araw, nakakita kami ng advertisment sa internet tungkol sa mga stainless tray na itinitinda ni Marvin Agustin.

Ang kuwento niya, inabot daw ng baha ang kanilang bodega. Nasira ang kahon ng mga tray kaya ibinebenta na lang nila nang kalahati ng presyo. Hindi naman talaga kailangan pero masyadong mura eh, kumuha kami ng buy five take five. Pero nang i-deliver, lima lang ang dumating, nasaan iyong libreng lima?

Talagang ni-reject namin, ano kami magpapabudol?

Pagkatapos noon ayaw nilang tumigil ng katatawag, kailan daw namin ipapa-deliver ang tray? Sabi namin hindi na kami interesado, bubudulin lang pala kami.

Nang sumunod  na pagkakataon hindi na si Marvin Agustin ang nagbebenta ng tray, si Dingdong Dantes na. Pero pareho ring tray iyon, ganoon din ang presyo at offer.

Ang hindi namin malaman, talaga bang involved ang mga artistang iyon sa pagbebenta ng tray o ginagamit lang sila sa pambubudol.

Na malamang hindi naman nila alam.

Minsan magugulat ka, pati mga pari at obispo involved na rin sa live selling.

Sila nga kaya iyon? Alam kaya nila ang nangyayaring iyon?

Kaya ang payo namin, huwag kayong bibili sa mga social media selling, lalo na ang mga gamot na hindi itinitinda sa mga botika.

Darren, napagbintangang mayabang

Ipinagmamalaki ni Darren Espanto ang nabili niyang Cadillac na bagama’t hindi naman niyang binanggit ang presyo pero ang sabi ay P19 million ang halaga.

Dapat nga namang ipagyabang iyon, dahil hindi lahat ng tao makakabili ng ganoon. Eh isipin mo si Darren na isang singer lang at TV host nakabili ng kotseng P19 million ang halaga?

Pero naisip kaya ni Darren na habang siya ay nagmamamalaki ng P19 million na kotse niya, maaaring may fans siyang naghihikahos sa buhay?

Chloe, sinisisi

Kasalanan nga ba ni Chloe San Jose kung nagkakagulo man ang pamilya Yulo?

Pero bago pa pumasok si Chloe sa usapan may gulo na sila eh.

Eh si Chloe, syota iyon natural nasasaktan iyan sa sinasabi ng nanay ng syota niyang si Carlos Yulo. Natural kakampihan niya si Carlos, at dahil doon sinisisi siya ng mga magulang noon?

In the first place, wala naman siyang pakialam sa dahilan ng away pero natural lang na ang kakampihan niya ay si Carlos lalo na ngayong sikat na sikat ito dahil sa dalawang medalyang ginto.

vuukle comment

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with