^

Pang Movies

Ria, manganganak na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ria, manganganak na!
Zanjoe at Ria

Malapit na palang manganak si Ria Atayde sa first baby nila ni Zanjoe Marudo at sobrang excited na ang mag-asawa na makita ang kanilang little angel.

Sa isang panayam ay nagbigay ng kaunting detalye ang aktres tungkol sa kanyang isisilang na baby boy.

“He’s really big, like we’re expec­ting a little over 7 pounds or more. We are expecting Baby Marudo very very soon, maybe in a month or less,” aniya sa video.

Super puri rin ang aktres sa kanyang mister sa pagiging supportive hubby na talagang religiously ay sinasamahan siya sa pagpapa-check up.

“It’s a lot of hard work. Zanjoe has been the most supportive throughout this process. He has never missed an appointment at the doctor. Every type of support that I can think of, physically and mentally and emotionally, he’s just there,” aniya.

Ipinasilip din ni Ria ang nursery room ni baby Marudo. Halos kumpleto na nga ito ng mga gamit na karamihan daw ay gift ng friends nila plus tinulungan din daw sila ng mom and dad niya na mag-ayos.

Vice, ‘di pumatol sa kalokalike ni Marian!

Dahil sa Kalokalike contestant sa It’s Showtime ay muling nabuhay ang isyu nina Karylle at Marian Rivera.

Ang contestant kasi ay kalokalike ni Marian. Tinanong siya ni Vice Ganda kung sino ang gusto niyang makausap at makatrabaho sa lahat ng nakatrabaho niya noon.

Sagot ng contestant, si “K.”

Sabi naman ni Vice, “Brosas.”

Nilinaw naman ni ‘Marian’ na si Karylle.

Good thing, hindi na pinalaki ni Vice Ganda ang sinabi ng contestant at tila nonchalant na lang siya.

Pero siyempre, ang mga Marites na netizens ang pumuna na wala si Karylle sa tsikahan portion kay ‘Marian’ at naghinalang umiwas daw ang singer na makaharap ito.

Well, sa mga hindi nakakaalam, bago naging girlfriend ni Dingdong Dantes si Marian noon ay si Karylle ang kanyang karelasyon kaya naman hindi maiwasang maging issue ito noon.

Nagkaroon pa ng ispekulasyon na si Marian umano ang dahilan ng breakup nina Karylle at Dingdong pero noon pa ay idinenay na rin naman nila ito.

James, feeling blessed kay Issa

Super proud si James Reid sa girlfriend niyang si Issa Pressman na isa sa Best Dressed awardees sa katatapos lamang na Preview Ball 2024.

Magkasamang dumalo ang magdyowa sa nasabing ball na ginanap last Sept. 6 sa Marriott Hotel.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni James ang behind the scene moments nila ni Issa sa nasabing event.

Caption ng aktor, “She’s best dressed and I’m most blessed.”

James and Issa were wearing a matching “nude” outfit sa nasabing ball at isa sila sa celebrity couples na nag-stand out nang gabing iyon.

As usual, inulan ng katakut-takot na reaksyon ang post ni James, both negative and positive. May netizens na masaya para sa kanila at meron ding hindi pa rin matanggap ang kanilang relasyon especially ang JaDine fans nila ni Nadine Lustre.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with