^

Pang Movies

LJ at pamilya, hindi na nagbabalak bumalik ng ‘Pinas

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
LJ at pamilya, hindi na nagbabalak bumalik ng �Pinas
LJ at Fam

Mukhang settled na sa New York City ang (dating) Kapuso actress na si LJ Reyes kasama ang kanyang non-showbiz husband na si Philip Evangelista at ang kanyang dalawang anak na sina Aki (sa Kapa­milya actor na si Paulo Avelino) at Summer (sa Kapuso actor na si Paolo Contis).

It was in September 2021 nang lumipad patungong New York (where her family is based) bitbit ang kanyang dalawang anak matapos ang kanilang controversial breakup ni Paolo Contis.

Ang mga anak ng StarStruck alumna na sina Aki (14) at Summer (turning 5 on Jan. 4) ay nag-aaral na sa New York at adjusted na sa kanilang buhay doon.

Si LJ ay ikinasal sa kanyang Filipino New York-based husband na si Philip in an intimate wedding ceremony in New York kung saan sila ngayon naka-base kaya mukhang malayo ang posibilidad na balikan pa ng aktres ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Thankful si LJ na tinatrato ni Philip ang kanyang dalawang anak just like his own. Umaasa rin ang mag-asawa na magkaroon sila ng sarili nilang anak para magkaroon ng baby brother or baby sister sina Aki at Summer.

Bea at Louise, may gagawing suspense-thriller!

Sina Bea Binene at Louise de los Reyes ang mga pangunahing bituin sa suspense-thriller movie na pinamagatang Pasahero na pinamahalaan ni Direk Roman Perez under Viva Films at nakatakdang ipalabas sa darating na Oct. 9, 2024.

Tampok din sa nasabing pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Katya Santos, Yumi Garcia, Andre Yllana, Dani Zee, Keann Johnson at Rafa Siguion-Reyna.

Sina Bea at Louise ay parehong nagmula sa bakuran ng GMA bago sila lumipat sa Viva Artists Agency na siyang nangangalaga ng kanilang respective careers ngayon. 

Nicole Kidman, nagluluksa

Dumalo sa 81st Venice Film Festival ang Australian-American award-winning actress na si Nicole Kidman (57) pero hindi na nito nahintay pa ang kanyang pagtanggap ng Best Actress trophy for Babygirl nung Sabado ng gabi, Sept. 7 dahil on same day ay agad siyang lumipad patungong Australia nang malaman niyang sumakabilang-buhay ang kanyang inang si Janelle Ann Kidman (84).

In her past interview she emphasized the importance of her mom na malaki ang naging papel to hape up her career.

Bukod sa kanyang Best Actress trophy sa 81st Venice Film Festival, si Kidman ay nakapag-uwi na ng Academy Award, a BAFTA award, dalawang Primetime Emmy Awards, anim na Golden Globe Awards at Volpi Cup for Best Actress bukod pa sa kanyang Best Actress awards in Australia kung saan siya nagsimula ng kanyang acting award in 1983.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with