^

Pang Movies

Habang imported ang pino-promote ng local stars tahong couture nairampa ng Fil-Am beauty queen sa New York!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Habang imported ang pino-promote ng local stars tahong couture nairampa ng Fil-Am beauty queen sa New York!
R’Bonney

Ang galing ni former Miss Universe R’Bonney Nola na isang Fil-Am.

Nagawan niya ng silbi ang tahong shell at inirampa sa ginaganap New York Fashion Week.

Kilala nang designer ng mga recycled material ang dating beauty queen na kamakailan lang umalis ng Pilipinas matapos ang mahaba-habang bakasyon.

At least may relevance ang suot niya at hindi lang basta rumampa para sa talent fee.

Nauna nang sinabi ni Heart Evangelista na hindi siya dadalo sa NYFW.

Andun naman si Pia Wurtzbach na parang haggard ang aura.

“Brought the shells all the way from Manila for day 1 of NYFW @dailyfrontrow @rbonneynola_design,” post ni R’Bonney tungkol sa kanyang suot na gawa sa tahong shell.

Habang ang mga local star / influencer, mga imported brand ang pino-promote at todo ang pagpo-post.

May kalook-alike, Alice Guo nag-’showtime’ sa Senado

Nonchalant si former Bamban Mayor Alice Guo na Guo Hua Ping sa totoong buhay.

Walang nakuha o na-squeeze sa kanya sa ginanap na Senate hearing.

As in literal ang pagiging nonchalant niya : “Nonchalant can be either negative or positive. The word describes someone who is relaxed and calm in a way that shows that they do not care or are not worried about something. If someone is nonchalant about another person’s pain or trouble, the word has a definite negative connotation,” ayon sa Mirriam Webster dictionary.

Ayon pa sa isang source ng NBI, maaari rin diumanong gumamit si Ms. Guo ng doppelgängers (lookalikes) bilang mga decoy para iligaw ang mga operatiba mula sa Bureau of Immigration, NBI, at Philippine National Police.

Ang taktikang ito raw ay makatutulong sa akusado na makaiwas sa pagtuklas sa mga kinasasangkutan nitong kaso.

Grabe, talagang parang pelikula ang mga nagaganap.

Si Ms. Guo ay inaresto sa Tangerang, Indonesia, ng Indonesian police agency noong Setyembre 4 at opisyal na itinurn-over sa mga awtoridad ng Pilipinas kinabukasan.

Well, sikat ngayon ang Kalokalike Face 4 sa It’s Showtime na kinagiliwan ng netizens ang pakulo ng kalokalikes nina Carlos Yulo, Chloe San Jose, at Ruru Madrid last week.

May chance kayang magkasali sa Showtime si Ms. Guo?

Grae, ayaw ng basta-bastang kuwento sa kanila ng kanyang daddy

Handang makipagtrabaho si Grae Fernandez sa ama niyang si Mark Anthony Fernandez.

Pero may kondisyones aniya. “Dapat bagay po sa kanya ‘yung karakter, bagay po sa akin. Saka ayun talaga, I think the chemistry, of course, obviously be there. I think it really needs to have the depth of a line of a story. What are we trying to portray. Ano pong papakita namin sa audience. Hindi lang po, because it’s Mark Anthony and because it’s Grae, na kaya tayo gagawa ng project. What’s the project first, then cast us as actors. So that’s my perspective on that. Pero again, I’m very open to that idea,” pahayag young actor nang huli naming makausap tungkol sa posibilidad na pagsasama nilang mag-ama sa pelikula.

Napapanood niya ba ‘yung Pamilya Sagrado na talagang napansin ang husay ni Grae?

“Yeah, I think this is the one na talaga. Kasi, ever since my career, has let’s me do my own thing. Pero he told me na ito yung pinaka-nakakarinig siya from other people na parang, oh wow! ang galing ni Grae dun. Parang, oh wow, ang ganda nung show. So he checked it out, and he’s really proud of me in this one. So I’m very happy for that.”

Pero bilang ama, ano ‘yung advice niya na naibigay sa ‘yo? “In this industry, you have to really be fearless. Kailangan mo talaga ipaglaban ‘yung sino ka at anong paniniwala mo, what you believe in. And just to be, if you’re really entering, when I was starting this career, ‘parang kung gusto mo talaga ito, you have to give it your all talaga. You can’t just be unserious with it.’ And again, nung baguhan pa ako, medyo bata pa rin po ako. I didn’t know what I wanted or what my interests were. Nung that stage po, medyo petiks petiks pa rin po ako here and there. But now talaga, again, I just want to be the best actor I can and just work as hard as I can. Ngayon na mas nakakatanda na po ako,” pahayag pa ng young actor na by this time ay nasa Amerika na ulit para ituloy ang kanyang pag-aaral sa acting school.

Julia, nagmo-motor na rin

Umangkas na rin pala kay Gerald Anderson si Julia Barretto.

Yup, umangkas nga ang aktres para sa isang out of town ride ng grupo nila Gerald, Drama Moto Club (DMC) na member sina John Pratts, Sam Milby, Jake Cuenca, Sancho Delas Alas and Marc Solis.

Pumunta rin sila sa resort nina John Prats at Isabel Oli sa Batangas na sabi ni Gerald ay “Drop a gear and disappear weekend ride.”

Parang ito na raw talaga ang sign na nag-aaral na ring mag-alaga ng baby ang magkarelasyon. Kasama nga kasi nila sa photo ang three kids nina John at Isbael.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with