^

Pang Movies

Vlogger/host na kuripot, namudmod ng mga expired na pagkain!

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Staff ng kanilang show gustong lasunin?

Naimbiyerna ang staff ng isang TV show sa kanilang host dahil namigay ito ng mga pagkain na expired na!

Kuwento ng aming source na dumating daw ang host na may mga dalang malalaking bag na puno ng mga imported snacks. Vlogger din kasi ang host at marami itong natatanggap na giveaways mula sa kanyang subscribers dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Pinamigay raw ng host ang mga imported snack pagkatapos ng taping nila. Inihabilin na lang niya sa isang tao ang paminigay dahil may lakad pa raw siya.

Tuwang-tuwa naman ang staff ng show dahil bihira raw mag-share ng blessings niya ang host. Kahit na malaki ang kinikita nito sa vlogging, saksakan daw ng kuripot ito. ‘Di raw ito kasing generous ng mga kasama nito sa show na madalas magpakain sa staff. Nakikikain lang daw si host at ‘di nag-aambag sa pagkain.

Noong makakuha na ng imported snacks ang ilang staff, agad nilang nakita ang expiry date ng mga ito. Noong 2023 pa raw expired ang snacks kaya diretso sa basura ang mga ito.

Kaya nadagdagan ang pagkaimbiyerna ng staff sa host na ito. Kuripot na nga, plano pa silang lasunin ng mga pabulok niyang snacks!

Glaiza, hinulaang mabubuntis na!

Sa pamamagitan ng Saju reading o tradisyonal na Korean fortune telling, hinulaan si Glaiza de Castro na magkakaroon na sila ng mister niyang si David Rainey ng baby.

Ayon sa prediksyon ng Saju Master na si Park Seong-jun, malakas ang enerhiya na magkakaanak na sila bago matapos ang taon o sa susunod na taon.

“Parang feeling ko ‘di na this year kasi ang bilis ng oras. Parang it’s exciting lang to hear na parang nagma-match din naman siya sa plans namin ni David, so I think it’s just parang nakikita ko na positive thing din siya to hope and to believe na, ‘Uy, manifest natin sige. Mangyayari ‘yan,’” sey ni Glaiza na gusto na girl ang maging panganay nila ng mister.

Kinasal sila sa isang tradisyonal na Irish wedding noong Oct. 12, 2021 sa Northern Ireland. Nagkaroon din sila ng second wedding na ginanap sa isang beach resort sa Botolan, Zambales noong Jan. 23, 2023.

Selena Gomez, isang bilyonaryo na!

Declared na isang billionaire na si Selena Gomez! Ayon sa Bloomberg: “The 32-year-old actress, singer, investor and entrepreneur just achieved the financial milestone thus making her one of the youngest self-made billionaires in the United States, which values her net worth at $1.3 billion.”

Malaking parte ng yaman niya ay mula sa kanyang brand partnership with Rare Beauty makeup line, Puma and Coach; pagiging actress/producer ng series na Only Murders in the Building; at ang kanyang pagiging singer for 15 years.

Matagal na rin siyang social media influencer with 424 million followers on Instagram. Naging aktibo rin sa kanyang advocacy siya via Rare Impact Fund na tumutulong sa mga taong may bipolar disorder. She raised $100 million for mental health services.

vuukle comment

GLAIZA

HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with