^

Pang Movies

Dennis, mas napapansin ‘pag bad boy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dennis, mas napapansin ‘pag bad boy
Dennis

Sinasabi nilang natupad ang pangarap ni Dennis Trillo na maging kontrabida sa isang serye, sa Pulang Araw, kung saan ginagampanan niya ang role ni Lt. Col. Saitoh, na isang malupit na sundalong Hapon noong panahon ng pananakop sa Pilipinas.

At bilang sundalong hapon sa Pulang Araw, matindi ang kanyang character at kagaya sa inaasahan mahusay niyang nagagam­panan.

Pinatutunayan niyang magaling talaga siya sa offbeat roles.

Aywan kung bakit parang ang mga ganoong  character ay mas nabibigyan niya ng buhay. Kung natatandaan ninyo sa serye nilang My Husbands Lover, ang galing din niya sa role na kalaguyo ni Tom Rodriguez, pareho silang bakla sa nasabing palabas pero nasapawan niya kahit na naa-underacting pa niya si Tom.

Sa ganyan mo talaga makikita ang kahusayan ng isang artista.

Marami na rin namang ginawa si Dennis, na nakakahinayang dahil hindi napalabas ang kanyang galing.

Mabuti naman ngayon at challenging din ang role niya sa kanilang serye.

Alipato…, naiba ang kapalaran

Mabuti naman at nagpalit ng desisyon ang MTRCB sa kanilang ikalawang review ng docu film na Alipato at Muog. X rating ito sa kanilang unang review na ginawang R-16 ngayon.

Nauna na nilang binigyan ng special permit ang pelikula noong ilabas sa Cinemalaya sa kahilingan ng CCP. Tapos pinayagan nilang ilabas iyan sa UP Film Center.

Sa opinyon ng mga unang nag-review ng pelikula, para diumanong kinukuwestiyon nito ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyernbo kaya nila binigyan ng X. Hindi naman ganun ang palagay ng mga nag-review sa pangalawang pagkakataon.

Isang docu lang iyan, pero ba’t kaya parang natakot na sila?

Ang sinasabing ang MTRCB ay instrumento lang para sa sensura ay tama. Ang binago lamang ay iyong karapatan ng dating Board of Censors for Motion Pictures na putulan ang mga eksena ng pelikula, pero kung objectionable sa tingin nila bibigyan nila iyan ng mahigpit na classification.

Ang ginagawa ng ibang producers, aalisin din ang mga eksenang hindi nagustuhan ng MTRCB at hihingi ng isa pang review, dahil wala nang objectionable sa kanila, pinapayagan na sila.

Kampo ni Sandro, nalusutan sa confi docus

Umangal ang abogado ng mga Muhlach dahil bakit daw biglang kumalat sa social media ang report ng medico-legal ng PNP kay Sandro Muhlach na hindi pa naman dapat ilabas.

Hindi ba sila ang dapat na sumagot niyan? Sino ba ang nakakaalam na may medico-legal test na isinagawa kay Sandro? Hindi ba dapat sila lang at ang PNP?

Iyan ang isang dapat alamin, sino ang nagpapa­labas ng mga confidential reports na kagaya niyan? Bakit hindi nila ireklamo kung sino ang nagpalabas ng mga confidential documents.

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with