^

Pang Movies

Derek, nilinaw ang pagbubuntis ni Ellen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Derek, nilinaw ang pagbubuntis ni Ellen!
Ellen

Sa mga Marites na naghihinalang buntis si Ellen Adarna sa first baby nila ni Derek Ramsay, well nilinaw na ng semi-retired actor na hindi ito totoo.

“Wala pa, wala pa,” sey ni Derek sa panayam niya sa vlog ni katotong Morly Alinio.

Aniya pa, ito na nga lang daw ang kulang sa buhay niya ngayon. “Basta ‘pag bliness na kami ng baby girl or baby boy, ready na ‘ko. ‘Yun lang ang kulang sa buhay ko. But with that said, kahit wala, masaya ako kasi may baby Elias na ako and I have a perfect wife,” saad ng aktor.

Sey pa niya, sobrang happy raw niya ngayon at ito na raw ang pinakamasarap na stage ng kanyang buhay.

“Life is very, very good. Wala sigurong time sa panahon ng buhay ko na ang buhay ko, ganito kasarap.

“I’m just at peace, may inner peace ako. Wala akong galit, wala akong problema, gigising ako, makikita ko ‘yung magandang asawa ko, nalalaro ko ‘yung sports ko na gusto ko. Wala akong wino-worry. My mom and my dad are healthy, nakikita ko sila all the time ngayon kasi nga nag-step away muna ako sa showbiz and I get to spend time with people I love and masarap ‘yun, ‘di ba?” paliwanag niya.

Kristine, wala sa hitsurang nanganak ng pang-6

Isinilang na ni Kristine Hermosa ang pang-anim nilang anak ni Oyo Sotto na pinangalanan nilang Isaiah Timothy.

Inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang shared Instagram post. Ibinahagi nila ang larawan ng kanilang anim na anak at makikitang karga-karga ng only daughter nilang si Ondrea ang new-born baby.

Sa caption ni Oyo ay nakasaad na isinilang si baby Timothy noong Sept. 3, 2024.

“Testimony of God’s faithfulness… You deserve all praise and glory Lord Jesus Christ! Isaiah Timothy, 9.3.24,” ani Oyo.

Nag-post din ang nanay ni Oyo na si Dina Bonnevie sa kanyang Instagram page ng ilang larawan sa pagbisita niya kay Kristine sa hospital.

Dinagsa naman ng congratulatory messages ang posts ni Dina at ng mag-asawang Oyo and Kristine.

Kaugnay pa rin ng panganganak ni Kristine, naaliw naman kami sa post ng kapatid niyang si Kat Hermosa.

Sa kanyang Instagram Story ay ipinost niya ang larawan ni Kristine matapos magsilang ng baby. At makikita naman talagang kahit kapapanganak lang ay napakaganda pa rin ng former actress.

Aliw ang on-screen caption ni Kat na tinatanong niya si Lord kung paano raw gawin ‘yun.

“Yung bagong panganak ka pero ito na ang pinakahulas that you can get. Paano ito, Lord?! Yung walang kahit anong makeup like her too!

“But first, Lord, magbuntis muna kami Miko ‘no? Then give birth like this naman! LOVE YOU TIN! Proud of you! Thank you, Lord, for blessing us with Timothy! Excited to carry you, Timothy!” Kat wrote.

Sa mga hindi nakakaalam, isa si Kristine sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong kapanahunan niya. At hanggang ngayon, kahit hindi na siya aktibo sa pag-aartista at kahit anim na ang anak, taglay pa rin niya ang kagandahang hinangaan sa kanya ng madlang people.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with