^

Pang Movies

Henry babu na sa TV Patrol, sabik tumira sa Canada

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Henry babu na sa TV Patrol, sabik tumira sa Canada
Henry

Nagpaalam na ang veteran TV anchor na si Henry Omaga-Diaz sa TV Patrol noong Biyernes.

Nagkaroon ng tribute ang mga kasamahan niya sa kanya kung saan binalikan nila ang masasayang alaala nila ng kanyang fellow news anchors na sina Noli de Castro, Karen Davila, at Bernadette Sembrano.

Nagkaroon din ng surprise message ang misis niyang si Gigi Omaga-Diaz para sa kanya at doon sinabi nito na sa matagal nilang paghihintay ay sa wakas makakasama na nila ang mister sa Canada.

Hindi raw naging madali ang desisyon nitong umalis at iwan ang bagay na mahal na mahal nito at kung saan inalay nito ang buong career sa mga Kapamilya. Pero sa blessing raw ng Diyos, sigurado raw makakahanap ito ng paraan at oportunidad para maibahagi nito ang mga kwento niya sa Canada.

Sabik na raw ang pamilya niya na makasama si Henry roon.

Nagbigay rin ng kanya-kanyang farewell messages ang co-news anchors niya. Hindi nga raw makakalimutan ni Henry ang pagma-marites nila ni Kabayan sa loob at labas ng trabaho nila. Nahirapan nga raw siyang bigyan ng advice sina Karen at Bernadette dahil magaga­ling na ang mga ito.

Nagpasalamat din siya sa ABS-CBN bosses sa suporta ng mga ito na naintindihan ang sitwasyon niya.

Nalungkot naman ang mga televiewer at naiyak sa pagbabu niya lalo na ang mga nakalakihan nang napapanood siya. Mahigit tatlong dekada na nga siya sa ABS-CBN na nagsimula bilang radio reporter noon.

All the best, Henry, kahit hindi tayo magka­kilala. Hahahaha.

vuukle comment

HENRY OMAGA-DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with