^

Pang Movies

Carmina, tumaas ang kilay sa pinagsasabi ni Kyline?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Carmina, tumaas ang kilay sa pinagsasabi ni Kyline?!
Carmina

Wala pa ring inaamin si Kyline Alcantara sa relasyon sa cager na si Kobe Paras sa kabila ng mga nakikita ng mga tao sa social media posts nila. Magkakandong na sila eh wala pa raw.

Mukhang taas-kilay naman doon si Carmina Villarroel na nanay ng ex ni Kyline na si Mavy Legaspi. Hindi rin naman sinabi ni Kyline kung ano ang dahilan ng split nila, pero sinabi niyang “naka-move on na ako”  

May lumalabas pang kaya raw nag-split ang dalawa ay dahil ayaw ni Carmina kay Kyline. Pero may ibang version naman ng istorya kaming narinig.

Kredibilidad ni Sandro, gustong dungisan

Hindi pa nagsisimula ang hearing ng kaso ni Sandro Muhlach laban sa dalawang baklang inaakusahan niya ng panghahalay, nagsampa naman siya ng panibagong demanda laban sa vloggers na maliwanag daw na ang layunin ay siraan siya at  kanyang kredibilidad.

Mayroon pa ngang isang nakakatawang post, na ang sabi ang gusto lang naman daw ni Sandro ay perahan ang dalawang bakla kaya nagdemanda? Hindi naman sa minamaliit namin sina Jojo Nones at Richard Cruz, pero kung pera nga siguro ang gusto ni Sandro, bakit sa kanilang dalawa pa? Maraming mas mayayamang bakla riyan na maaaring lapitan ni Sandro.

May suspetsa si Sandro na ang dummy accounts na ginagamit para siraan siya ay pakana ng ilang tao lamang na tiyak namang malalaman kung matukoy na ng NBI ang dummy accounts na iyon.

Male star, takot maireklamo

Naku sorry, hindi raw magrereklamo ng sexual harassment ang isang male star laban sa kanyang kulukadidang. Mali pala ang impormasyon na ang akala ng lahat ang male star ang kulukadidang ng kanyang friend, eh hindi naman pala kundi ang kanyang friend ang kulukadidang niya. Ang male star ang talagang bading.

Naku eh sanay na sanay pala iyang sumayaw ng ballet sa platito, at magsayaw ng pandanggo sa mga nakausling pako. Baka siya pa ang mareklamo ng kanyang kulukadidang ng sexual exploitation. Kasi si male star daw basta naumpisahan, ayaw nang tumigil.

Goma, ayaw tantanan sa EDSA

Hindi namin sinisisi si Congressman Richard Gomez kung magreklamo man sa tindi ng traffic sa EDSA. Sa kuwento niya, mula lamang sa Ayala Avenue, inabot siya ng dalawang oras hanggang sa tapat ng Megamall.

Matindi ang traffic noong Biyernes na payday rin.

Ang suggestion lang naman ni Cong. Goma, dapat daw siguro magkaroon ng bagong pag-aaral ang management ng trapiko sa EDSA, kasi nga wala namang dumadaan sa mga bus lane. Bakit daw hindi buksan iyon para sa ibang sasakyan kung panahong matindi talaga ng traffic?

Simula nang lagyan ng bus lane sa EDSA, lalo lamang sumikip ang kalye. Nagsimula lang naman iyan nung nagkarun ng libreng sakay noong pandemic, dahil kaunti lamang ang bumibiyahe, nilagay iyan para mabilis na makaikot ang mga bus na nagbibigay ng libreng sakay.

Hindi lang naman si Cong. Goma ang narinigan namin ng reklamo laban sa bus lane. Maraming taxi drivers at maging TNVS drivers na nagsabing hindi na raw sila kumikita dahil sa tindi ng traffic.

At walang masama kung magsabi ng saloobin si Cong. Goma. Bawal na ba ngayong magbigay ng opinyon?

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with