^

Pang Movies

Jose Mari, ayaw maging unfair sa composers ng ibang X-Mas songs

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Jose Mari, ayaw maging unfair sa composers ng ibang X-Mas songs
Jose Mari

Alam mo, Salve A., simula sa araw na ito ng September ay kalat na naman ang larawan ng OPM icon ni Jose Mari Chan, isang senyales na magsisimula na naman ang longest-running celebration ng Christmas sa ating bayan.

Jose Mari has become a Christmas sign sa mga Pinoy sa nalalapit na pagsapit ng kapanganakan ni Jesus.

Considered the ‘Father of Christmas Music in the Philippines’ or the ‘King of Filipino Christmas Carols,’ mga titulong ayaw niyang tanggapin.

“We must remember that there were other popular Filipino Christmas carols long before “Christmas In Our Hearts” was released (in 1990),” depensa niya.

“Ayokong maging unfair sa mga composers noon ng mga Filipino Christmas carols,” aniya.

At 79 (turning 80 on March 11, 2025), napaka in-demand pa rin Jose Mari bilang singer-performer hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Last month, naimbitahan siya sa isang company event and he was requested to sing (in advance) his biggest hit Christmas song, at hindi nito mapigilan ang ma­ging emotional when the audience started singing with him.

Ang awiting Christmas in Our Hearts ay sariling komposisyon niya na kanyang kinanta along with his daughter (na bata pa noon) na si Liza nung 1990. 

Speaking of Jose Mari Chan, please watch our exclusive interview with him sa aming online talk show, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel ngayong Martes, Sept. 3, sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Fake News, kailangan ng mabigat na parusa

Nalalapit na naman ang mid-term elections sa Pilipinas at katakut-takot na namang fake news ang naglalabasan. Ito ang dahilan kung bakit pinangunahan ng GMA sa pamumuno ng chairman na si Atty. Felipe Gozon sa pakikipag-alyansa sa iba’t ibang prominenteng media practitioners, networks at malalaking kum­panya at kasama na rito ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsawata ng mga naglipanang fake news at misinformation sa social media.

Dapat siguro ay magpataw na ang Philippine government ng mas mabigat na parusa sa mga nagkakalat ng fake news, misinformation, scam, bashings at iba pa para ito’y masawata at tuluyang mahinto.

Gerald at Julia, hinihiritan din ng pelikula!

Masaya ang actor-entrepreneur at bida ng upcoming ABS-CBN action-drama series na Nobody na si Gerald Anderson para sa kanyang kasintahang actress na si Julia Barretto sa malaking tagumpay ng reunion movie nila ng dati nitong nobyo, ang actor na si Joshua Garcia, ang Un/Happy for You na pinamahalaan ni Petersen Vargas at joint production ng Star Cinema at Viva Films na umabot na umano ng halos P400 million ang kinita sa takilya magmula nang ito’y magbukas sa mga sinehan mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan.

Maganda rin siguro pag-isipan ang reunion movie nina Gerald at Julia matapos ang kanilang 2019 movie na Between Maybes kung saan nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa.

JOSE MARI CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with