^

Pang Movies

Rita, naranasang ibugaw ng kadugo...

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rita, naranasang ibugaw ng kadugo...
Rita

Sa gitna ng intrigang kinasasangkutan nina Sandro Muhlach at Gerald Santos ay nilantad din ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kanyang sikreto na nabiktima rin siya ng sexual harassment.

Isang mahabang post ang nilabas niya kung saan ikinuwento niya ang pinagdaanan.

Nalulungkot daw siya na may mga biktima at nambiktima sexually sa showbiz. Pero hindi naman daw lahat. At wala raw siyang na-encounter na ganon sa Seiko Films, Viva Films at iba pang movie productions o TV.

Pero doon nga nilantad niya na hindi pa siya artista noon ay may nakilala siyang director na ‘binebenta’ siya sa producer. Nananamantala rin ang director na ito na pilit humahalik na talagang nakakadiri at nakakatakot daw.

Sinubukan daw niyang magsumbong sa mismong nanay niya pero parang wala lang daw ito at nalaman niyang naaabutan daw pala ito.

Nagkaroon pa raw ng pagkakataon na tinutulak pa raw siya nito sa mismong cousin-in-law niya na mabuti na lamang at nakaiwas siya dahil kahiya-hiya.

“Nakakapanliit. Nakakagalit. Sobrang masakit,” paglalarawan niya.

May kanya-kanya raw talagang kapalaran at paglalakbay ang bawat tao. May mga tao raw talagang gagawa ng mali sa atin at maski tayo ay may gagawin mali dahil hindi pa natin alam ang gagawin pero sa huli ay mamumulat at matututo at makikilala raw natin ang mga sarili na mahalaga raw.

“Imbis na MANAPAK, MANG-AKAY,” pagtatapos niya sa kanyang post.

Samantala, marami ang nagulat sa nilantad niyang pambubugaw ng nanay niya. Pero hinangaan din siya ng netizens sa ginawa niya dahil hindi raw ito natakot na ikwento ang hindi niya magandang karanasan.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with