^

Pang Movies

BINI, pinaghahandaan ang Araneta!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
BINI, pinaghahandaan ang Araneta!
BINI

Kinababaliwan na ng Filipino fans ang sarili nating P-Pop groups and talents tulad ng SB19, BINI at BGYO laluna ang unang dalawang grupo na nakikilala na rin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa global stage.

Bukod sa SB19, sobrang mainit ngayon ang BINI (from the word Binibini – young lady) na binubuo ng walong talented young ladies na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena at ang leader ng grupo na si Jhoanna.

Unti-unting umingay ang BINI laluna nang lumabas ang kanilang hit songs na Pantropiko, Salamin, Salamin, Cherry on Top at iba pa hanggang sa sila’y magkaroon ng sold-out three-day concert sa New Frontier Theate nung July 28-30, 2024 at sunud-sunod na mga parangal at kasama na rito ang kanilang latest achievement, ang kanilang pagtanggap ng parangal mula ng Billboard K Power 100 in South Korea kung saan din nila nakasama ang SB19 at ibang K-Pops groups and stars nung nakaraang Martes ng gabi, Aug. 27. Ang SB19 at BINI ay nag-perform din ng kanilang respective hit songs sa nasabing okasyon.

Bukod sa sunud-sunod na mga parangal na tinatanggap ng BINI at SB19 hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, pinaghahandaan naman ng itinuturing na Nation’s Girl Group ang kanilang two-day Araneta Coliseum concert on Nov. 16 and 17, 2024.

Kathden, malaki ang pressure sa Rewind

Tapos ang filming ng pelikulang Hello, Love, Again sa Canada na sequel ng 2019 record breaking movie na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay sumira sa lahat ng existing Filipino movies sa takilya nung 2019 hanggang ito’y pataubin ng 2023 Metro Manila Film Festival movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Rewind.

Tiyak na malaking challenge ito kina Kathryn at Alden na meron nang Nov. 13, 2024 playdate na maabot o ‘di kaya malagpasan ang Rewind.

Anyway, bukod sa kanilang successful showbiz careers pareho ring matagumpay na entrepreneurs sina Kathryn at Alden.

Panganay ni Melanie, sabik sa amang si Lito Lapid 

Umaasa ang actress at dating beauty queen na si Melanie Marquez na maayos ang matagal na nilang gap ng ama ng kanyang panganay na anak na si Manuelito na si Sen. Lito Lapid.

Si Manuelito, 36, ay panganay na anak ni Melanie sa kanyang anim na anak.

Kahit nakapagtapos na ng kanyang pag-aaral si Manuelito sa University of Phoenix sa Amerika at may trabaho na ito sa Las Vegas, Nevada, he is still longing the love and support from his father na kahit kailan ay hindi umano ibinigay at ipinakita ng actor-politician.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with