^

Pang Movies

Kira at LA, naging mag-jowa sa Canada?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kira at LA, naging mag-jowa sa Canada?
LA Santos at Kira Balinger

Bongga, ang tagal din palang nag-shoot sa Canada ng pelikulang Maple Leaf Dreams starring LA Santos and Kira Balinger. Dahil eighty percent ng mga eksena sa pelikula ang kinunan sa Toronto.

Kabog ang ibang pelikula.

At hindi nila basta ginawa ang pelikula. Dumaan sa immersion sina Kira and LA.

Si LA ay nag-work sa carenderia at sa supermarket si Kira for a week.

“Ipapakita namin ‘yung experience, ‘yung emotion po ba na hindi po namin naexperience sa totoong buhay. So ‘yun po ‘yung naging responsibility namin na medyo mabigat, pero the struggle was nag immersion po kami. Nagcommit po kami. Nag-workshop po kami maraming beses. So ‘yun, lahat ng ‘yun kailangan namin ma-process, matandaan at dalhin po namin ‘yun sa Canada para magawa po namin ng tama ‘yung role namin. So para sa akin, yung struggle was mostly emotionally, dun sa character,” kuwento ni Kira tungkol sa kanyang character na nagdesisyon makipagsapalaran sa Canada.

“Ako naman po siguro ‘yung challenges ko, ‘yung stress na paulit-ulit na lang ako. Kasi po, medyo mahirap din po talaga ‘yung nagawa po namin yung pag-shooting po sa Canada dahil very limited po yung oras, saka very... ‘yung paglipat pa po, at ‘yung schedule po, talagang naging challenging po siya sa Canada. Kaya po ‘yung every time na sasalang kami ni Kira sa camera dapat on-point po kami saka tama po. Kaya sobrang na appreciate ko naman kay Direk Benedict po na napadali niya po ang lahat para sa akin po,” sabi naman ni LA kahapon sa ginanap sa media conference.

At ayon kay Direk Benedict Mique, hindi mura ang mag-shooting sa Canada.

Sa airfare pa lang, million na diumano ang gastos nila.

Kaya naman talagang ayon kay LA, ibinigay nila ang lahat para mas mapagaan ang trabaho nila.

Almost half a month din silang nag-shoot doon na may 1.2 million Filipinos kabilang na ang wife at anak ni Direk Benedict.

“First ‘yung kung paano namin nagawa itong movie na ito. Well, si LA gaya nang sinabi niya matagal na po kaming magkakilala, ang Sa Iyo Ay Akin pa lang. So talagang nagawa po namin ito dahil sa friendship namin, dahil may tiwala po kami sa isa’t isa lalung-lalo na po dahil kay Direk Bene namin because si Direk Bene, siya po ‘yung Director na kailangan namin for this movie. Talagang kahit mahirap, Direk. Maraming challenges, wala eh, he did it for us,” dagdag ni Kira.

Pero sa totoong buhay ba may chance na maging sila?

Tawang-tawa si LA. “Mag-try man ako, lagi niya akong basted naman.”

Sagot naman ni Kira: “Gusto n’yo ba na maging kami.”

Pero sa totoo lang, cute sila at ang lakas ng che­­mistry. Kahit si Direk Bene ay walang naging problema sa kanila.

At malaking tulong aniya ang immersion nila.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Maple Leaf Dreams sa September 25.

Si Direk Benedict ang nasa likod ng Netflix original film na Lolo and the Kid na trending at pulos papuri ang feedback.

Ria, handa nang manganak

“Wala yan sa lahat ng pinagdaanan mo. Proud of you,” reply ni Zanjoe Marrudo sa post ng misis niyang si Ria Atayde habang ina-assemble ng actor ang crib para sa kanilang first baby.

Post nga ni Ria “Another testament of how great of a father you already are and will be @onlyzanjoemarudo thank you for taking time to do this. Grateful to have you by my side as we enter this new chapter ?,” kasabay ng pasasalamat ni Ria sa mga tumulong sa kanila upang ma-set up ang kanilang nursery for their first baby.

Statement ni Direk joel Lamangan, napeke

Fake ang kumalat na statement kahapon ni Direk Joel Lamangan.

Agad itong nilinaw ng line producer na si Dennis Evangelista.

“Hindi to galing kay Direk Joel Lamangan. May poser si Direk Joel Lamangan na nagpapanggap na siya, kumukuha ng datung sa mga gustong mag artista at pinag brief online.

“Tungkol sa pahayag ng artista na allegedly ay pinatatamaan ang Sikat na direktör na siya sexually harassed — walang pahayag o pagpatol na sinasabi si Direk Joel Lamangan.

“Hindi ganitong magsalita at hindi niya legit na acct etong naka post na to. Hindi rin niya ugaling manlait ng tao.

“Sa kasalukuyan ay busy si Direk Lamangan kaya wala siyang panahon pumatol sa mga ganitong isyu.”

Malaswa ang mga salitang ginamit sa supposedly ay statement ni Direk Joel bilang sagot sa naging statement ni Ahron Villena.

Kim Chiu, hybrid na rin ang training

Hybrid pala ang training ng Kim Chiu na aniya ay hindi lang naman para sa kanyang katawan kundi pati na rin sa mental factor na pagtakas na rin sa ingay ng paligid.

“Exercise is not just for your body but also a significant mental factor. Working out is also my form of escape from all the noise. Your only focus is how to finish your workout. It calms you and gives you a break for an hour or two. After you finish a workout, it releases endorphins and helps you think clearly and focus properly. I always believe that having a strong mind leads to a strong body. sabeh?!

“The human mind is much more capable of anything you can imagine. Train your mind to never give up. We are made of much more than we think,” buong post ni Kim.

At ito nga siguro ang panlaban niya sa mga isyu-isyu kumbaga.

Carlos Yulo, may libreng lifetime interior design na rin

Grabe lahat na lang. Ngayon naman free interior design for life ang tatanggapin ni Carlos Yulo.

Ang pagkapanalo ni Olympic champion Carlos Edriel Poquiz Yulo ng dalawang gold medals mula sa floor exercise at vault events ay isang pangarap na natupad para sa mga Pilipino. At ang karangalang dala ni Carlo para sa Pilipinas ay kinilala ng iba’t ibang malalaking kompanya, gobyerno, at mga bigating personalidad kabilang na ang pangulo ng bansa, si President Ferdinand Marcos sa milyun-milyon na halaga ng cash incentives, sasakyan, properties, at iba pang lifetime privileges.

At ang latest, ang Mod and Noble Design Studio kilalang interior design and construction company ay magbibigay din ng free lifetime interior design sa nasabing atleta. Ang Mod and Noble team ay handang magbigay ng free service upang magkaroon ng mas stylish and comfortable design ang living space ni Carlos at i-customize rin ito ayon sa kanyang panlasa.

Kabilang sa kanilang celebrity clients sina Miss Korina Sanchez, Louie Heredia, at David Chua.

 

vuukle comment

LA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with