^

Pang Movies

Gamitan sa showbiz, matagal nang sistema

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gamitan sa showbiz, matagal nang sistema
Direk Joel Lamangan

Nang tanungin si Direk Joel Lamangan tungkol sa nangyayaring eskandalo sa showbiz ngayon, sinabi ng direktor na: “Diyos ko matagal nang nangyayari iyan sa showbiz. Kaya nga lang noong araw sikreto iyan, ngayon lang nabulgar nang ganyan.”

Sa tono ng kanyang salita parang sinasabi na ni direk na normal na kalakaran na ang ganyan.

“Ang dami nang nangyaring ganyan, hindi na lang pinag-uusapan. Una nahihiya rin ang mga lalaki, ikalawa kasi hindi naman sila pinilit. Mga baguhan na gustong sumikat, naghahanap ng makakapitan, sa ganoon lang nagsisimula iyan eh,”sabi pa ni direk.

Totoo naman ang sinabi niya, pero ang kaibahan nga lang hindi sila ginamitan ng puwersa kagaya nung sinasabing nangyari kay Sandro Muhlach. Siguro kung hindi rin binigla nang ganoon si Sandro at hinintay na pumayag siya, wala sanang gulo.

Pero ewan din dahil sinasabi ng abugado ng dalawang suspect na sila ay may mailalabas din namang mga ebidensiya laban kay Sandro. Hinihintay lang daw nila na mapunta iyon sa tamang forum, ibig sabihin ay sa korte. Siya rin ang naging abugado ni Vhong Navarro sa kasong rape na  isinampa ni Deniece Cornejo, at napawalang sala si Vhong at si Denice ang nakulong.

Pero gaya nga ng sinabi ni Direk Joel talagang nangyayari na ang ganyan noon pa man, tahimik nga lamang ang mga biktima. O nagawa silang patahimikin dahil nakikinabang sila.

Hindi lang naman sa pelikula at TV nangyayari iyan. Kung babasahin ang mga chat sa Internet, makikita ninyong may mga manager na bading na nagsasamantala rin sa kanilang male talents, at ang iba ay ibinubugaw pa nila sa ibang bading.

Kung talagang sisimulan sa sexual molestation, siguro ang isa sa pinaka-
matindi at shocking sa mga tao noon ay ang kaso ni Hanz Montenegro na sa edad na 14 ay namolestiya at nai-video pa ang molestiya sa kanya. Matinding trauma rin ang inabot ni Hanz dahil doon kaya kailangang sa abroad niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

May isang sikat na matinee idol noon na dumanas din ng matinding trauma dahil sa molestation ng isang pulitiko, hindi lang siya umangal dahil may consent niya ang mga nangyari o ang isang pulitiko na mahigit na isang dekada ring naging live in partner ng isang bading. Marami iyan noon, may mga banker, mga kilalang negosyanteng bading, isang milyonaryo real; estate broker, dalawang producers ng pelikula, na puro na-involved sa mga artistang lalaki.

May isa pa ngang kaso ng isang artistang lalaki na nakatali sa isang kontrata sa kanyang bading na producer na lover din niya na lumipat sa ibang ba­ding na producer na nagbigay sa kanya ng “better deal” pero kailangang bilhin ng producer na bading sa naunang bading ang kontrata ng aktor sa halagang kalahating milyong piso. Hindi rin naman nakabawi ang bading na producer sa ibinayad niya sa kontrata dahil nang lumipat sa kanya ang aktor ay hindi na kumikita ang pelikula noon. Mayroon ding isang aktor noon na ipinagbili ng kanyang manager sa isang mayamang banker. Ang mayamang banker na ang nakialam sa career ng aktor at nag-produce pa ng pelikula at naging lover din niya nang mahabang panahon hanggang sa mag-asawa na siya. Marami talaga iyan at hindi tayo matatapos sa kuwentuhan kung iyan ang subject pero isa lang ang kaibahan, wala sa kanilang pinuwersa ng bading kaya walang nagreklamo. Ngayon lang.

Ate vi, ‘di pa rin decided sa 2025

Ipinagdadasal pa raw ni Ate Vi ang gagawin niyang desisyon sa 2025 midterm elections.

Ang daming humihimok sa kanyang kumandidato ulit, pero habang sinusulat namin ito ay wala pa talaga siyang desisyon.

May nagsasabi ring baka iyon ang dahilan kung bakit sinabi ni Ate Vi na ayaw niyang gumawa ng pelikulang mabilisan at may pressure, maski nga ang tanong kung may entry ba siya sa MMFF ay ayaw niyang sagutin, dahil sinasabi nga niya na kung gagawa man siya ng pelikula gusto niya iyong relaxed lang at walang hinahabol na ano mang kompromiso.

Basta tiniyak niyang sa Oktubre na ang simula ng shooting ng bago niyang pelikula, puwede namang sabayan iyon ng filing ng cerificate of candidacy dahil hindi pa naman agad magsisimula ang kampanya. At saka sabi nga nila, hindi na niya kailangan pang mangampanya sa Batangas.

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with