^

Pang Movies

Kobe at Kyline, may kandungan portion na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kobe at Kyline, may kandungan portion na!
Kobe Paras at Kyline Alcantara

Tila pareho ng favorite song nina Daniel Padilla at Kobe Paras at ito ay ang  Hinahanap-Hanap Kita ng Rivermaya. Madalas kasing kantahin ni Daniel ang nasabing Rivermaya song kahit noong  sila pa ni Kathryn Bernardo at nitong break na silang dalawa.

 Here comes Kobe, sa isang video, mapapakinggan na kinakanta niya ang song habang nakaupo sa lap niya ang girlfriend na si Kyline Alcantara. Malinaw na GF na niya ang Kapuso aktres at isa sa mga bida sa afternoon series ng GMA-7 na  Shining Inheritance dahil hindi naman siguro uupo si Kyline sa lap ni Kobe kung “great friends” lang sila. Gan’un kasi ang description ni Kobe sa relasyon nilang dalawa nang matanong.

 As expected, kinilig na naman ang mga fans nina Kyline at Kobe, lalo na nang halikan ni Kobe ang shoulder ni Kyline. Parang nasa small party ang dalawa dahil may mga tao sa paligid at naririnig ang kanilang voice over at deadma sa kanila ang lovebirds.  Basta si Kobe kumanta at nakinig si Kyline.

 Anyway, sa September 9, 2024 na ang premiere ng Shining Inheritance at hindi naman siguro makakasira sa promo ng series kung very much in the picture si Kobe sa buhay ng Kapuso star.

Heart, sanay nang i-pictorial ni Chiz

Si Senate President Chiz Escudero ang fotog ni Heart Evangelista sa photo niya na ini-endorse ang Avon Philippines. Sa larawan, suot ni Heart ang baby pink underwear at makikita ang hubog ng kanyang katawan.

Hindi ito ang first time na naging fotog ang senate president ng misis kaya may nagbiro tuloy na siguradong may trabaho si Chiz kapag iniwan na ang pulitika.

Dahil pala sa mga nasabing photo, may mga nag-comment na hindi raw pala flat ang chest area nito dahil boobsie nga at nakatulong para lumabas ang kanyang kaseksihan.

Barbie at David, buking ang fake kissing scene

Na-call out na naman ng mga viewers ng Pulang Araw si Barbie Forteza dahil sa fake kiss nila ni David Licauco sa isang eksena.  Pinagdedebatehan nga ang kissing scene na ‘yun dahil may nagsabing sa left side ng face ni Barbie siya hinalikan at may nagsabi namang sa leeg.

Ang biruan ng mga fans, na-fake kiss na naman sila ni Barbie, kaya may nag-react na kung hindi talaga siya magpapahalik, sana niyakap na lang siya ni David o kaya’y sa noo hinalikan, basta hindi lang fake kiss. Nako-compromise raw kasi ang ganda ng eksena.

May nag-comment pa na hindi complete actress si Barbie dahil may limit siya pagdating sa kissing scene. Bakit daw sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at iba pang aktres na may mga boyfriend at asawa, nagpapahalik kapag kailangan at sa ikagaganda ng eksena? Maiintindihan daw ni Jak Roberto kung magpapahalik siya dahil aktor din siya.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with