^

Pang Movies

Vice, nawalan ng baby

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagluluksa ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa pagkamatay ng kanyang pet dog na si Chip In.

Ipinost ng karelasyon ni Ion Perez ang kanyang madam­daming mensahe para sa pumanaw na aso na kanyang first fur baby.

Nakasama raw niya ito ng mahigit anim na taon. Naging source of joy niya ito noong mga panahong down siya.

Ito raw ang nilu-look forward forward niya noon tuwing uuwi siya na pagod na pagod. Hindi raw siya iniwan nito noong malungkot siya at nakikinig ito tuwing galit siya. Hinahalikan pa raw siya nito tuwing umiiyak siya.

Noong may sakit nga raw ito ay hiniling niya na lumaban ito dahil hindi pa siya handang mawala ito. Kaya hinang-hinang ang Kapamilya host pero siniguro nitong makakaligtas ito at laking tuwa nila.

Pero alam daw ni Vice na lumaban ito nang husto para hindi siya iwan nito pero ngayon daw ay oras na para magpaalam at hayaan na itong maglaro sa heaven.

Sobrang lungkot daw niya at mula umaga ay umiiyak na siya. Hindi raw niya alam na ganito kasakit ang mawalan ng fur baby.

Na-realize raw niya na hindi lang ito aso kundi anak, pamilya at totoong kaibigan niya na ito.

“You gave me so much love. And I loved you with all my heart. I thank God for you,” bahagi ng post niya kung saan kasama niya sa litrato si Chip In.

Minsan na ring nabanggit ng host ang tungkol dito kung paano siya nito sinamahan sa high and low moments niya.

Marami namang fur parents ang naka-relate kay Vice na pamilya na talaga ang turing sa kanilang pet dog.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with