^

Pang Movies

Kim, kinantyawan sa jowa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, kinantyawan sa jowa
Kim

Nag-viral na naman ang pang-aasar at pangangantyaw ni Vice Ganda kay Kim Chiu tungkol sa love life ng aktres.

Mapapanood sa viral video ang parte ng EXpecially For You segment ng It’s Showtime kung saan ay tinanong ni Vice si Kim kung ipinakilala na ba siya sa parents ng bagong boyfriend.

Nagsimula ang kulitan nang kantahin ni Kim ang linyang ‘kay rami nang pusong sinugatan’ na mula sa kantang Tukso ni Eva Eugenio.

Tanong ni Vice kay Kim, “sugatan pa ba?”

Sagot naman ni Chinita Princess, “sakto lang.”

Bigla namang tinugtog sa studio ang kantang Hiling ni Paulo Avelino.

Maya-maya ay napag-usapan naman ang tungkol sa pagpapakilala sa parents ng dyowa ng contestant.

Tanong na naman ni Meme Vice kay Kim, “napakilala ka ba sa parents niya?”

Sagot naman ni Kim, “doon sa mga dati? Oo.”

Pangungulit ulit ni Vice, “bakit, ‘yung sa ngayon, hindi pa?”

Reply ng aktres, “wala naman ngayon.”

Mukhang hindi naman naniwala si Vice at hirit niya kay Kim, “makarma? Mamatay? Mabawasan ang endorsement?”

Tawa nang tawa si Kim. Pero sey niya, totoo naman daw na wala siyang boyfriend ngayon.

Broadcast sweetheart, bumida sa LAB…

Bongga ang tinaguriang Broadcast sweetheart na si Marie Lozano dahil siya ang headliner sa bagong lifestyle program ng Bilyonaryo News Channel’s titled Lifestyle Lab.

Malalim na tatalakayin ng nasabing documentary-style show ang topics about health, health and wellness, beauty, and fashion in signature Bilyonaryo style of reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV kundi maging sa digital world din.

Ieere ang new episodes ng show every Saturday at 10:00 a.m. with repeats at 8:00 p.m. and replays on Sundays at the same time slots.

Mapapanood din sa Lifestyle Lab ang mga hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood. Ipapakita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang latest trends at ibubuking din nito kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’

BINI Aiah, nagpasalamat na ‘di dinumog

Sobrang thankful ni BINI Aiah sa mga marerespetong fans na hindi siya dinumog habang naglalakad siya sa kahabaan ng BGC.

Ibinahagi rin niya ang video na ipinost ng ng isang Bloom (BINI’s fandom) habang nasa restaurant siya at maayos siyang nakakilos dahil behave ang kanyang fans.

“This is the positive impact of the girls spea­king up. Fans learn to show respect. Not the dumog (to swarm) culture. Look how she gladly with the crew and the fans who nicely asked for pictures. It’s comforting to see her felt safe in a public space,” ang caption ng fan.

Magugunita nitong mga nakaaraang buwan ay parating inirereklamo ng BINI ang rude fans na ini-invade na raw ang kanilang privacy.

Tila nakinig naman ang fans sa pakiusap ng Nation’s Girl Group base nga sa recent experience ni Aiah sa BGC.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with