^

Pang Movies

Bimby, pineke sa boyfriend!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bimby, pineke sa boyfriend!
Kris Aquino at Bimby

Hindi nakalusot sa fake news ang anak ni Kris Aquino na si Bimby. Ginawan ito ng intriga na diumano’y pag-amin tungkol sa boyfriend.

Hindi ito pinalagpas ni Ogie Diaz at ipinost nito ang screenshot ng post na may caption na “Fake News Again! Taas pa naman ng Follo­wing! FAKE!!”

Hindi lang kasi iyon ang ginawan  ng fake news kundi marami pa ang ginawan ng account, na may pangalang Viral TV, ng fake news na pati sina Sandro Muhlach at Sen. Jinggoy Estrada ay naroon din.

Sa post ay may caption ito na sinasabing napaiyak daw ang nanay nila Joshua nang magbukas daw si Bimby tungkol sa boyfriend nito. Nagdulot pa raw ito ng emosyonal na reaksyon kay Kris, na nagsabi raw na mahalagang hakbang ito sa kanilang relasyon bilang pamilya.

Bagama’t masaya raw si Kris para sa anak, hindi raw maikakaila ang halo-halong emosyon na dulot ng mga bagong yugto sa buhay ng anak.

Sinabi pa ng nagkalat ng fake news na tinanggap daw ng publiko na may suporta at pang-unawa ang pag-uusap ng mag-ina.

Bukod nga sa imbentong kwento ay gumamit pa ito ng litrato ng dalawang lalakeng naghahalikan na may hawig sa bagets pero kung tititigan ay matanda na iyon.

Ang masama nga rito ay pinaniwalaan ito ng ibang netizens at malaki pa ang following ng page.

Mag-react kaya ang Queen of All Media na nakatutok pa sa kanyang pagpapagamot sa Amerika?

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with