^

Pang Movies

Dalawang male starlet, walang magawa sa pang-aabuso ng direktor!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Basta ba pumayag ang biktima ng sexual harassment o assault ay ligtas na ang suspect?

Hindi rin, kahit na binayaran mo na ang taong hinalay mo kung magsasampa iyon ng reklamo ay maaari ka pa ring kasuhan. Hindi mo maikakatuwiran na “prostitute naman po iyan at binayaran ko.”

May mga kasong napatunayang prostitution pero dahil sa nagsabi ang prostitute na pinilit lamang siya nakulong pa rin ang suspect.

Ganoon din kahit na lalaki ang naging biktima. Hindi kailangang magkaroon ng penetration, sapat na ang mapatunayan niyang pinilit siyang makipag-sex kahit na tutol siya at lalabas na rape na iyon.

Maliban kung may ibang ebidensiya ang suspect na nakapagpatunay na gumamit siya ng puwersa at ang nangyari ay with consent kaya nga ang iba ay kumukuha ng pictures at video para patunayang may consent ng biktima ang lahat ng nangyari.

Kagaya nga ng dalawang male starlets, halinhinan daw sila kung abusuhin ni direk sa kanilang location. Pero hindi sila makareklamo. Dahil oras na ginawa nila iyon, malamang the end ang kanilang career. Ang director nila ang producer din ng mga pelikula.

Minsan diumano, ang dalawang male starlets ang pinagse-sex ni direk at kinukunan sila ng video, para maging hold din sa kanila at mapatunayang sila ay prostitutes lamang walang rape na nangyari.

Kampo ni Gerald, may dagdag na reklamo

May reklamo pa rin ang manager ni Gerald Santos dahil kahit na sinabi ng GMA na hindi totoong banned siya sa shows doon, iyon ang actual na nangyari, nawalan siya ng shows. Maaaring hindi alam ng GMA pero may mga tauhan silang nagkakasabwatan para gipitin ang mga artistang umaalma sa kanila.

Sinabi rin nila na bagama’t inalis nga ng GMA ang musical director na umabuso kay Gerald matapos na magreklamo ito ay hindi raw sila binigyan ng resulta ng imbestigasyon na magagamit sana ni Gerald sa pagsasampa ng demanda. Hindi rin daw sila binigyan o inalok man lang ng psychiatric help para tulungan ito na maibsan ang trauma noon.

Ang sinasabi pa nila, si Gerald ay kinse anyos lamang noon, menor de edad at hindi pa alam ang gagawin bukod sa takot nga na maapektuhan ang kanyang career. Nang dumating naman ang panahon na balak na niyang magsampa ng demanda laban sa baklang musical director, sinabihan siyang lampas na ang prescribed period sa paghahain ng ganung demanda. 

Cinematheque, binaha

Noon palang kasagsagan ng bagyong Carina ay inabot ng baha ang Cinematheque sa Film Development Council of the Philippines office sa TM Kalaw. Pumasok daw sa kanila ang tubig baha at may nakuha pang mga hito sa loob nila pagkatapos.

Dinaan na nga lang sa biro ni direk Joey Reyes na bakit naman sa quadrangle ng La Salle ang nakuhang isda ay mga Koi samantalang sa kanila ay hito.

Ibig sabihin din noon marami sa kanilang mga gamit ang nabasa, at natural kailangan na naman ng repair, pero mabuti at lilipat na pala sila sa ipinatatayong film archives sa Intramuros, siguro doon na sila magpapa-repair ng nasira sa baha at hindi na sila babahain doon.

Idinaing din ni direk Joey na kailangan nilang harapin ay ang restoration ng ating mga mahuhusay na pelikula lalo na iyong ginawa ng mga national artist bago mawala nang tuluyan ang mga kopya noon. Pero napakalaki nga ng gastos sa restoration na sa estimate niya aabutin ng dalawang milyon o baka higit pa at wala namang maaasahang kita sa mga iyon.

Sinisikap din daw nila na makakuha ng tulong mula sa pribadong sector pero inuuna muna nila kung ano ang makukuhang budget sa gobyerno dahil sila ay isang ahensiyang nasa ilalim ng Office of the President. Sinabi rin niyang ikinatutuwa niya na supportive rin sa kanila si first lady Liza Araneta Marcos, na nangakong tutulong sa kanilang mga programa.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with