^

Pang Movies

Cong. Richard, sinagot ang isyu sa anak sa labas!

STARTALK - Pang-masa
Cong. Richard, sinagot ang isyu sa anak sa labas!
Lucy, Goma at Juliana

wIsa sa pinaka-hot Filipino hunks sa showbiz noong ‘80s si Cong. Richard Gomez at maituturing na Adonis ng industriya dahil sa kagwapuhan at pagiging makisig nito.

Kilala nga ang mister ni Ormoc City Mayor Lucy Torres bilang playboy noon dahil marami siyang napapakilig na mga tagahanga at pati na rin mga artista. Kaya hindi maiwasang marami ang nagkagusto sa kanya at marami ring mga naging ex.

Kaya marami rin ang nagtatanong kung meron nga ba siyang anak sa ibang babae?

Pero nilinaw ito ng tatay ni Juliana na wala siyang illegitimate child at nagbirong nag-imbentaryo siya para raw siguruhing wala siyang naiwang anak sa labas.

Nilinaw niya na madalas hanggang holding hands at kiss lang sila ng mga naging girlfriend niya noon.

Siya na nga raw ang umiiwas sa tukso lalo ay may sarili na siyang pamilya.

At sinabing “Lumalapit na ‘yung bigas sa manok, ‘di ba? ‘Pag lumapit na ‘yung bigas sa manok, ‘yung manok na ‘yung lumalayo.”

Na totoo naman na hanggang ngayon ay lutang pa rin ang kagwapuhan nito.

Samantala, ikinuwento naman nina Cong. Richard at Mayor Lucy na tamang komunikas­yon daw talaga ang susi sa matibay na relasyon. At inamin ni Cong. Richard na nagbago raw ang ugali niya dahil sa misis.

Nasa tamang panahon daw kasi talaga nang magkakilala sila noon. Bongga.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with