^

Pang Movies

Nora, maraming version ang pagkasira ng boses

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“May kumausap sa akin kinukuha raw akong endorser ng isang beauty clinic sa Japan. Pagdating ko sa Japan dinala ako sa clinic pinahiga, pinatulog at nang magising ako ay wala na akong boses. Sinira nila ng boses ko. Parang sinadya. Nagdemanda ako pero maibabalik pa ba ang boses ko? Sabi sa akin ng doctor masyado raw malalim ang naging damage sa aking vocal chords kaya mahirap nang maibalik ang boses ko” sabi ni Nora Aunor.

Ang ibang version naman ng kuwento, sinabi nila kay Nora kung ano ang kanilang gagawin. Magsasagawa sila ng isang face lift para magmukha siyang bata, at siya nga ay gagawin nilang endorser ng dermatological clinic na plano nilang buksan sa PIlipinas. Isinagawa nga ang operasyon, pero diumano hindi sinabi ni Nora na may iba siyang mga sakit noong panahong iyon.

Sa kalagitnaan ng operasyon hindi na siya makahinga at posibleng mamatay siya kaya para maisalba ang kanyang buhay binutasan siya sa lalamunan para doon makahinga.

Nakahinga nga siya at nailigtas ang kanyang buhay, pero nasira na ang boses niya. Ganoon pa man hindi naman masasabi ng kahit na sino na kung hindi nangyari ang operasyong iyon ay maganda pa rin ang boses niya.

Natural naman na iba na ang boses niya ngayong mahigit na siyang 70 kaysa noong bente lamang siyang mahigit at maganda ang boses niya. Kahit na sino namang tumatanda ay nagbabago ang boses.

At ngayon mas mahihirapan siya dahil hirap na rin siyang magsalita, hinihingal na siya at iyan naman ay dahil sa ibang sakit.

Rustom, gusto pa rin si Carmina

Sinabi ni Rustom Padilla, kung babalik daw siyang muli sa pagiging isang tunay na lalaki ang dati niyang asawang si Carmina Villarroel pa rin ng gusto niyang makasama.

Natatandaan pa namin kung papaanong nakiusap si Rustom noon sa Viva na si Carmina ang kunin para sa pelikula nilang Maruja. Dahil sa paniwala siyang aangat nang husto si Carmina bilang isang aktres kung siya ang gaganap sa role ni Maruja. “Kahit na lumabas ako sa pelikulang iyan nang walang bayad basta si Carmina ang bida,” sabi pa ni Rustom.

Nakuha nga ni Carmina ang role dahil sa pakiusap noon ni Rustom, sila ang magkatambal sa pelikula, pero binayaran din naman si Rustom.

 Pumasok si Rustom sa PBB at doon ay inamin niya ang katotohanan na siya ay isang bading. Pagkatapos nga noon, nagkahiwalay ang mag-asawang Rustom at Carmina, at si Rustom naman pinangatawanan na ang kanyang pagiging bading at tinawag ang sarili niyang BB Gandanghari.

Nanirahan siya sa US kung saan kinikilala na siya bilang isang transwoman. Naging driver siya ng isang UBER hailing app, at naiba na ang kanyang buhay. Samantalang dito sa Pilipinas ay isa siyang dating sikat na artista na malaki ang kinikita.

Sandro, nangatal!

Ngatal pa rin pero sinabi na ni Sandro Muhlach sa pagdinig ng senado kung ano ang mga ginawang panghahalay sa kanya nina Richard Dode Cruz at Jojo Nones. Pinayagan ng senado na magkaroon ng isang executive session kung saan pinalabas ang lahat ng ibang mga partido maliban kay Sandro, sa kanyang amang si Niño Muhlach at sa kanilang abogado.

Ipinaliwanag ng abogado nila Sandro na dahil hindi pa natatanggap ng kabilang partido ang kopya ng kanilang mga demanda, ayaw muna nilang bigyan ng pagkakataon ang mga iyon na malaman agad ang laman ng kanilang sakdal.

Kasabay halos noon ginawaran ng contempt ng senado ang isa sa suspects na si Jojo Nones, dahil diumano ay pagsisinungaling noon. Paulit-ulit siyang tinanong ni Senador Jinggoy Estrada kung totoong nag-alok siya kay Niño Muhlach na magbibigay sila ng donasyon sa isang charitable institution na pipiliin ng mga Muhlach para patawarin sila sa kanilang nagawa.

Mariin iyong pjnabulaanan ni Nones. Tinanong siya kung nag-alok sila nang donation sinabi niyang hindi totoo iyon at saka naman inilabas ng senador ang affidavit na nilagdaan ni Atty. Anette Gozon na nagpatunay na nag-alok nga sila ng donasyon.

Tinangka pang magpalusot ni Nones na hindi raw sinabi ni Gozon na nag-alok sila ng donasyon para maareglao ang kaso at muling binasa ni Senador Jinggoy ang affidavit na maliwanag naman ang statement hindi man diniretsa na nag-aalok sila ng areglo dahil doon naghain ng mosyon si Estrada.

Samantala sa pareho ring hearing ay humarap ang singer na si Gerald Santos at sinabi na ang ginawang pang-aabuso sa kanya ng isang musical director ng GMA na diumano ay “may malakas na kapit sa management” kaya matapos niyang magreklamo ay siya pa ang inalis sa show.

Hindi naman natin masasabing binibigyan ng proteksiyon ng network ang mga abusadong bakla sa kanilang bakuran, pero maaaring nagkakasabwatan nga ang mga baklang iyan para ipitin ang mga talent na magrereklamo laban sa sino man sa kanila. At nawawalan nga ng trabaho ang mga talent na umaangal nang hindi namamalayan ng management.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with