^

Pang Movies

Sandro, nagdemanda na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sandro, nagdemanda na!
Niño at Sandro Muhlach

Pormal na ring naghain ng reklamo si Sandro Muhlach sa Department of Justice laban sa dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Nones.

Natungo kahapon, Monday, August 19 ang Sparkle artist sa DOJ kasama ang kanyang amang si Niño Muhlach at nag-file ng reklamong rape through sexual assault, ayon sa report ng ABS-CBN.

“Finally, umabot na kami sa araw na ito na we’re finally filing a case and onwards will be. . . siyempre magkakaroon na ng mga court hearing and siguro soon makakamit rin namin ‘yung justice, which Sandro deserves,” pahayag ni Niño in a video interview.

Nang matanong kung ano ang nararamdaman niya, medyo naging emosyonal si Onin.

“Parang nakaluwang-luwang sa dibdib dahil umabot na tayo sa araw na ito,” aniya.

“ Ambigat! Kasi nakikita mo ‘yung anak mo araw-araw na nagsa-suffer, di makakain, di makatulog,” teary-eyed na sabi ng dating child wonder.

Nauna rito ay matatandaang naghain na rin ng reklamo sina Niño at Sandro sa GMA network at sa National Bureau of Investigation. Lumapit din si Onin sa Senado at kasalukuyang iniimbestigahan din ang kaso ng Senate committee on public information and mass media headed by Sen. Robin Padilla.

Samantala, dumalo na si Sandro sa ginanap na hearing kahapon sa Senado at ikinuwento ang pang-aabusong ginawa umano sa kanya nina Nones at Cruz, bagay na matigas namang itinanggi ng dalawa.

Matapos ang pagdalo sa hearing, nag-post si Sandro sa kanyang Insagram Story. Aniya, “I will not be silenced. The truth will prevail.”

Andrea nakaganti na kay Dimples

Nakaganti na si Andrea Brillantes sa mga sampal na inabot niya mula kay Dimples Romana sa dati nilang seryeng Kadenang Ginto.

Magkasamang muli ngayon sina Andrea at Dimples sa High Street at nagkabaligtad na ang kanilang role.

Sa episode last week ay napanood ang sampalan scene ng dalawang aktres but this time ay si Andrea na ang sumampal kay Dimples.                                

Sa recent Instagram post ni Blythe ay sinabi niyang first time niyang masampal si Dimples sa eksena at isa raw itong malaking karangalan para sa kanya.

“Some of the most difficult scenes to perform as an actor are scenes like these.

“Grabe it’s my first time ever to ever sampal a veteran actress like Ate Dimples Romana, and wow, what an honor!” saad ni Blythe.

Aniya pa, “Before, I was always the one getting slapped in Kadenang Ginto, at ngayon nakabawi na din ako… CHAROT LANG ATE! I LOVE YOU SO SO MUCH ,” ani Andrea.

Bilang isang artista, aniya ay ginagawa lang nila ang naaatas sa kanila para mabigyan ng magandang panoorin ang mga viewers.

Nag-trending ang nasabing sampalan scene nina Dimples at Blythe nang iere at pinuri-puri ng netizens ang napakagaling na performance ng dalawang aktres.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with