^

Pang Movies

AJ at Aljur, inilantad sa pamamasyal ang baby!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
AJ at Aljur, inilantad sa pamamasyal ang baby!
Aljur Abrenica at AJ Raval

May mga taong nagtatanong kung sino ang batang babae na kasama nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kanilang pamamasyal minsan na kumalat sa social media.

Kanya-kanya naman nang sagot ang mga marites. Marami ang sumagot at nagsabing “Anak iyan ni AJ sa una, doon sa ex niya.”

Ang dami na ngang tsismis tungkol kay AJ. Noon, may tsismis na nabuntis daw siya ni Aljur at patago pang nanganak sa isang ospital, pero pinasinungalingan iyon ni AJ, hindi raw totoo iyon at ang dahilan kung bakit siya nawala noon, ay dahil tinamaan siya ng COVID-19.

Pero bago pa iyon, nagsisimula pa lang si AJ sa Vivamax, may tsismis nang may anak siya sa pagka-dalaga. Pero siyempre wala ka namang nakikita papaano mo papatunayan?

Ano man ang sabihin ninyo iyan ay mananatiling tsismis lamang hanggang walang makapagbibigay ng isang diretsong kumpirmasyon, at may magbigay man ng kumpirmasyon, ano nga ba ang pakialam ninyo kung may anak man siya sa pagkadalaga o wala?

Priscilla, humihingi ng katarungan

Galit na galit si Priscilla Meirelles dahil habang nagbabayad daw siya  sa cashier ng isang supermarket sa isang up scale mall sa BGC, nadukutan siya sa kanyang bag at nakuha ang cell phone ng kanyang anak na Iphone 15. Nang magreklamo siya sinabihan siyang kailangan siyang mag-report sa police para mailagay iyon sa blotter na ginawa naman niya. Ang sumunod na nangyari, sinamahan siya ng mga pulis pabalik sa nasabing supermarket upang makita nila ang CCTV at ma-identify niya ang mga magnanakaw, after all namumukhaan daw niya kasi nagla-live rin siya noong mga oras na iyon at may nakita siyang tatlong taong kahinahinala sa kanya mismong blog na suspetsa niya ay siyang dumukot ng cell phone ng kanyang anak.

Ang sama lang ng loob ni Priscilla, ayaw ipakita ng supermarket ang kanilang CCTV hanggang wala siyang dala na isang court order para ilabas iyon. Feeling niya tuloy mas binibigyan pa ng proteksyon ang snatcher at mandurukot sa BGC. Hindi tama iyon sa tingin ni Priscilla dahil tila sa policy na iyon ng supermarket ay mas napapaboran pa ang mga magnanakaw kaysa sa mga biktimang gaya niya.

Hindi ito ang first time na may ganyang kuwento, minsan may isa namang Koreano na nag-post din ng video habang tumatakas palayo sa kanya ang dalawang babaing nang-snatch ng kanyang bag sa BGC rin. Nagtatakip ng mukha ang dalawang snatcher na babae dahil alam nilang kinukunan sila ng video, at tumakbo nang mabilis at biglang sumabit sa isang shuttle bus sa loob ng BGC palabas. Hindi na sila nahabol ng Koreano na nagpalabas din ng warning na maraming snatcher at mandurukot sa BGC. Ano nga ba ang nangyayari sa BGC, dati sinasabing tahimik ang lugar na iyan na kung saan nagtutungo ang mga taong medyo up scale, pero ngayon para na rin siyang Divisoria sa dami ng kuwento ng mandurukot at snatchers. Napansin din namin na karamihan sa binibiktima nila ay mga foreigners. Noong una isang Koreano, at siguro napagkamalan ding turista si Prisicilla na isang Brazilian hindi nila alam na matagal na siyang naninirahan sa Pilipinas at alam na ang gagawin.

Iyang BGC ay nasakop na ng lungsod ng Taguig at mukhang napapabayan na yata nila ng security. Noong araw ay madalas kami sa BGC, may pagkakataong naiwan ang aming cell phone nang ilapag namin iyon sa isang boutique na pinuntahan namin, nalaman lang namin na wala ang cell phone nang may kailangan kaming tawagan at isang oras na ang nakalipas. Nagbalik kami sa boutique, at nakita namin ang aming cell phone kung saan namin mismo naiwan iyon.

Mayroon pang isang hindi magandang tsismis diyan kung gabi raw lalo na kung Biyernes at Sabado ng gabi maraming mga kabataan babae at lalaki na naka-istambay malapit sa isang sikat na bar diyan. Hindi sila pumapasok sa bar naroroon lang sila sa bangketa sa labas at lakad nang lakad.

Iyon palang mga bagets na lalaki ay mga “car fun boys.” Iyong mga babae naman ay pokpok din.

Kaloka, dapat ayusin yan.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with