Victor Neri, inaabangan kung papasa sa bar exam
Pagkatapos na maging accomplished actor and chef, nag-aaral ngayon si Victor Neri para maging abogado. Sa katunayan ay nagre-review ito para sa bar exams.
Paminsan-minsan na lang daw gumawa ang 48-year-old actor ng pelikula at teleserye dahil naging busy ito sa kanyang pag-aaral. Inamin niyang na nami-miss niya ang umarte at gusto niyang makatrabaho ang mga bagong artista ngayon.
Sumikat si Victor dahil sa show na Ang TV nung 1992. Mula sa pagiging singer, naging teen heartthrob siya, drama actor at action star. Nanalo rin siya ng acting awards mula sa FAMAS at Metro Manila Film Festival.
“Ever since I started, pagsimula pa lang namin, piling-pili lahat. Every project na ginagawa ko is a career decision na aabante ‘yung career ko,” sey ni Victor na huling napanood sa teleserye na Unbreak My Heart.
Geneva, mag-aaral magnegosyo
Back-to-school din ang singer-actress na si Geneva Cruz. Sa kanyang Instagram, pinost ni Gen ang photo niya bilang student with matching school ID sa Philippine Christian University sa Manila.
Business Administration ang kurso niya sa PCU. Nasubukan daw niyang maging college student noon sa UST, pero kailangan niyang mag-drop sa kurso niyang AB Literature dahil nabuntis siya noon kay Heaven.
Noong magkaroon siya ng second child, pinlano na niya ang pagbalik niya sa college para magkamit ng diploma.
“I needed to prioritize finishing a degree. I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals. It took me a long time to finally return to school and strive to complete college,” sey ni Gen na na-inspire rin sa singer na si Ronnie Liang na nakapagtapos ng ilang kurso sa kolehiyo.
American actress, pumanaw
Pumanaw sa edad na 94 ang acclaimed American actress, three-time Emmy winner and dual Oscar nominee na si Gena Rowlands.
Nakilala siya sa kanyang Oscar nominated performances sa mga pelikulang Gloria at A Woman Under The Influence. Parehong dinirek ito ng kanyang mister. Huling memorable film ng aktres ay ang 2004 film na The Notebook.
Ang anak ng aktres na si Nick Cassavetes ang nag-reveal na may Alzheimer’s disease ito noong nakaraang June. Pumanaw si Gena mula sa complications ng naturang disease sa kanyang tahanan sa Indian Wells, California noong Aug. 14.
- Latest