^

Pang Movies

Jessy, niresbakan ang nam-bash sa eyebags ni Peanut

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jessy, niresbakan ang nam-bash sa eyebags ni Peanut
Jessy at Peanut

Hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na sagutin ang mga basher na nagkomento tungkol sa anak na si Peanut.

Nagkomento ang mapanlait na netizen sa isang post ng misis ni Luis Manzano kung saan nag-post ito ng litrato nilang mag-ina habang pinapakita ang mga bulaklak na binigay ng mister sa kanila na may caption na nagpapasalamat sila sa pagpapakilig ng anak ni Ate Vi (Vilma Santos).

Nakaka-good vibes ang litrato nina Jessy at Peanut kung saan lutang ang kilig ng bagets pero may basher na sa halip na matuwa para sa kanila ay pinuna pa si Peanut at sinabing “parang ang payat ng bby nila” na hindi pinalampas ng aktres.

Sinagot ito ni Jessy ng “2024 na but here you are still commenting on other people’s bodies.”

Habang ang isang mapanlait na basher naman ay sinabing “Grabe bakit ganyan ang bata, wala pang 2 years old pero ang eyebags pang 80 years old na.”

Kaya sinagot ito ni Jessy para paliwanagan na may halong panunupalpal.

Hindi naman sinang-ayunan ng netizens ang mga basher dahil isa nga raw si Peanut sa prettiest celebrity baby kaya ang mga taong iyon daw na nagkomento ay gusto lamang daw talagang mang-bash at hindi pinatawad pati ang bata.

Hindi ito ang unang beses na na-bash ang baby nila dahil pinatulan na rin ni Luis ang isang pakialamerang basher na nagsabing maarte sila sa ‘di pagpapakita ng baby nila noon at sinabi pang pisot daw ba ito.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with