^

Pang Movies

Aktor na dumaan sa Accla, bantay-sarado ang anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Over na, super pa ang pagiging protective ang isang has been na aktor sa anak niyang lalaki! Sumikat din ang aktor pero ngayon, lumabas-dili siya sa TV at pelikula!

Isinama minsan ng aktor ang kanyang anak sa isang showbiz event. Inimbitahan kasi siya ng isang accla na sa showbiz din nagtatrabaho.

Habang may kausap ang aktor na iba, ‘yung nag-invite sa kanilang accla eh kinausap ang anak. Nalaman ng accla na anak siya ng kakilalang aktor.

Nakita ni aktor ang chikahan ng anak at accla. Kaya naman matapos ang usapan, tinawag ang anak at kinausap sa isang tabi.

Pinagsabihan ni aktor ang anak na huwag basta kumakausap ng hindi kilala lalo na ‘pag accla! Nakarating sa accla ang sinabi ng aktor sa anak!

Tumaas na lang ang kilay nito at sinabing, “Kanino ba siya nanggaling bago naging artista? Accla rin, ‘no?” sey ng bading sa inis.

Si aktor naman, parang kakainin nang buo ang anak ‘pag kausap ng bading!

Nanay, ‘di na naalala

Nakaramdam kami ng lungkot at awa sa nanay ni Olympics gold medalist na si Carlos Yulo dahil wala siya sa arrival ng anak at kahit saglit na interview ay wala.

Mabuti pa ang lolo ni Yulo, nakausap ng TV crew at pati schoolmates eh nabigyan ng pagkakataon na sumalubong kay Yulo.

Naging mailap naman sa interview ang GF ni Carlos na si Chloe San Jose nang subukang hingan ng pahayag ni Mariz Umali ng GMA nung arrival.

Sa nakaraang presscon ng ina, humingi na siya ng tawad sa anak. Pero anyare after ng presscon?

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with