Pinky, tatapatan si Korina!
Excited na ang seasoned broadcast journalist na si Pinky Webb na makasama si Korina Sanchez sa Bilyonaryo News Channel (BNC).
Ipinaalam niya ito mismo sa kanyang Instagram followers. “From the Web to Television” ani Pinky.
“We are the @bilyonaryo_channel bringing you the latest National, Business, Lifestyle News and much more. Catch us on free tv channel 31 and Cignal channel 24,” patuloy niya.
In-introduce rin niya ang ibang pang makakasama sa bagong network na ang iba ay kasamahan din niya before sa ABS-CBN. “We have @iammarielozano @attykarenjimeno @mairodriguez2017 @maikioreta @paolodelrosario currently on board” aniya.
Inanunsyo niyang ngayong September na raw magsisimula ang kanilang shows ni Korina.
“While @korina and I will be airing our shows in September.
“Excited to get back to work ,” sey ni Pinky.
Kilala si Webb na bihasang mag-interview lalo na sa in-depth coverage tulad ng political at social issues.
Siya ang anchor newscaster ng CNN Philippines nung hindi pa ito nagsasara, under the arm of ABS CBN network.
Na-establish ni Pinky ang kanyang pangalan bilang respetadong news anchor dahil sa mga credible news niyang inuulat.
Galing din sa prominenteng political family ang broadcast/journalist kung saan ang kanyang ama ay si dating Senator Freddie Webb.
Ngayon pa lang ay kinasasabikan na ng netizens ang tandem nina Webb at Sanchez sa Bilyonaryo News Channel na mapapanood sa free TV Channel 31 at Cignal Channel 24.
Niño, naglabas ng ebidensya!
Dahil sa tahasang pagtanggi ng dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones and Richard Cruz sa reklamong sexual harassment ni Sparkle artist Sandro Muhlach, hindi malaman ngayon ng publiko kung sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media last Monday, Aug. 12 ay dumalo na sina Nones at Cruz at nagbigay ng kanilang salaysay.
Kaya inilabas ng ama ni Sandro na si Niño Muhlach ang palitan ng text messages ng anak niya at ni Nones nang madaling-araw pagkatapos ng GMA Gala 2024.
Samantala, nilinaw naman ni Sen. Bong Revilla kay Nones ang naging pagtanggi nito sa akusasyon.
Pero diretso ring sinabi ni Sen. Bong na kung pagbabasehan ang kanyang nakita, si Sandro ang nagsasabi ng totoo.
“Pero sa totoo lang, me, personally, nakita ko yung bata. Nanginginig siya. Sa mata ko, totoo yung sinasabi niya,” he said.
- Latest