^

Pang Movies

Aktor, naging sosyal dahil sa mga ACCLA

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Malakas ang appeal sa mga accla ng isang baguhang aktor na medyo hunk ang dating kahit hindi masyadong outstanding ang kaguwapuhan!

Alagang-alaga si baguhang aktor ng isang sikat na aktor na pinagdududahan ang sexual preference dahil walang babaeng nakikitang kasama bilang dyowa.

Eh bukod sa sikat na aktor, natipuhan din siya ng isang bading na producer na nakagawa na ng ilang movies.

Ang balita ng aming source, galante ang producer sa baguhan. Dumating sa point ang acclang produ na binigyan niya ng kotse ang baguhang aktor, huh! Ang yaman!

Wala kaming nababalitaang projects ng aktor sa TV man o sa movies. Pero bongga ang kanyang lifestyle dahil sa nahuhumaling sa kanya!

Career ni Michele, suportado ng Fiance

Tuloy pa rin sa sports at showbiz career ng volleyball player na si Michele Gumabao kahit engaged na sa PBA coach na si Aldo Panlilio.

Humingi kami ng mensahe kay Michele at ipinadala sa amin ito ng manager niyang si Joel Roslin.

Nalaman naming taong 2016 pa ang relasyon nina Michele at Aldo.

Bahagi ng sagot ni Michele, “We’ve always been supportive of each other, in whatever I tried to do whether it was sports, pageantry, politics or showbiz he has always been my number one supporter.

“There’s a very deep level of trust between us and we both never held each back from goals and dreams.”

Sa pagpasok niya sa showbiz, number one supporter din niya ang fiancé.

“Both our families are very happy with our engagement and I know they’ve been waiting for it to happen,” saad pa ni Michele.

Sa Japan naganap ang engagement nina Aldo at Michele pero para walang detalye kung kailan ang kasal.

vuukle comment

ACCLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with