^

Pang Movies

Manny at Jinkee, nag-celebrate ng 25th wedding anniv

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Manny at Jinkee, nag-celebrate ng 25th wedding anniv
Manny at Jinkee Pacquiao

Wow, silver wedding anniversary na pala ni Manny at Jinkee Pacquiao.

Imagine, ganun na sila katagal. Sa kabila ng mga pang-iintriga sa kanila noon, nalampasan nilang lahat ‘yun.

Parang kailan lang nang iugnay si Manny sa ibang mga babae pero hindi sumuko si Jinkee, inilaban niya ang sa kanya.

Kasi kung sumuko nga naman siya, ‘di sana hiwalay na sila at wasak ang kanilang pamilya. At sana hindi nila ini-enjoy ang mga pinaghirapan ni Manny.

Importante talaga na matibay sa pagsasama ng isang mag-asawa ang misis. Na hindi basta-basta nadadala sa mga intriga lalo na sa sports at showbiz na malakas ang temptation at matindi ang mga intriga.

Kaya congrats Manny at Jinkee sa inyong 25th wedding anniversary.

Tiyak na wala nang pwedeng magpahiwalay sa kanila. At kung magkakaroon ng pagsubok, magi­ging maliit na bagay na lang ‘yun sa kanila.

Bongga talaga si Jinkee. Winner.

Sana rin ay ganito ang maging kapalaran ni Manny sa pagbalik niya sa Senado sa 2025.

Maugong nga ang balita na tatakbo ulit siyang senador.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with