^

Pang Movies

Jerald, natuloy na ang alok na kasal kay Kim

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jerald, natuloy na ang alok na kasal kay Kim
Jerald Napoles at Kim Molina

Ready na sa next level ng kanilang rekasyon sina Jerald Napoles and Kim Molina dahil engaged na ang celebrity couple after being together for 10 years.

Naganap ang marriage proposal ni Jerald last Sunday, August 11, 2024 sa PETA Theater kung saan sila unang nagkakilala ni Kim.

Matatandaang nagkakilala ang KimJe noong 2014 nang magkasama sila sa musical play na  Rak of Aegis.

Sa video na in-upload ng Nice Print Photography sa TikTok, halatang walang kaalam-alam si Kim sa proposal. Pagpasok niya sa PETA Theater Center ay nagulat siya nang makitang punong-puno ng bulaklak at ilaw ang paligid habang maririnig naman ang pagtugtog ng saxophone.

Mas lalo siyang nagulat nang nakita niya ang LED signage na “Will you marry me?” Napaiyak na si Kim at this point at maya-maya ay lumabas na si Jerald.

“Sabi mo pictorial,” umiiyak na sabi ni Kim kay Jerald.

Inalo-alo naman ng aktor ang GF at pina-relax ito bago sinimulan ang proposal.

Pinaalala niya muna kay Kim na sa mismong stage na iyon sila unang nagka­kilala 10 years ago. Nag-duet daw agad sila kahit hindi pa sila nag-uusap.

“Pasensiya na,  sampung taon ang inabot. Pinahinog lang siguro ng panahon. Marami rin tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy.I’ve been planning to do this last year. Supposedly, I’m gonna do it on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy.

“And then I planned on doing this also on Christmas as a Christmas gift for you,” sabi ni Jerald

“I was planning to do this also sa Coldplay concert kaso nagka-LBM ka, so hindi rin natuloy,” aniya pa.

Ang final plan daw ay sa Europe kung natuloy sila. Mas intimate raw sana kung sakali pero baka raw talaga dito sila dinala kung saan sila nagsimula.

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo, at maraming salamat sa pagpunta sa birthday ko. Hindi, joke lang,” pagbibiro ni Jerald.

“Maraming maraming salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon at sana madagdagan pa,” aniya.

Pagkatapos nito ay makikitang lumuhod na si Jerald at pormal nang hiningi ang kamay ng nobya. “Kim, will you be my penguin and will you marry me?” he asked.

Iyak nang iyak si Kim and the next thing ay isinu­ot na ni Jerald ang ring saka nagyakap silang dalawa.

Sa Instagram post ni Kim kahapon ng umaga, aniya, “Back to where we first met, the exact spot where it all started.. it has always been a “YES”, and will forever choose you. I love you, @iamjnapoles.”

Rayver at Julie Anne namili ng gitara sa Amerika

Kahit nasa US ay talagang kitang-kita pa rin ang passion for music ng Kapuso couple na sina Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.

Sa Instagram, ibinahagi ng magdyowa ang kanilang pagpunta sa Guitar Center sa Holywood in Los Angeles, California.

Caption ni Rayver, “guitar hunting with mi.”

Sa video ay makikitang masayang-masaya si Rayver nang pumasok sa store at manghang-mangha sa laki nito.

Inikot nila ang store at tumingin ng iba’t ibang klase ng gitara para bilhin. Makikita ring naggitara sila para i-test ang mga unit.

Pinili ni Rayver bilhin ang isang electric guitar habang si Julie Anne naman ay isang rosewood guitar from Taylor ang napili.

Kasalukuyang nasa Amerika sina Julie at Rayver para sa dalawang shows in California.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with