^

Pang Movies

Bryan Chong, marupok sa pag-ibig 

Pang-masa

MANILA, Philippines — Relatable na kwento tungkol sa pag-ibig at mixed signals ang ibinahagi ng dating Idol Philippines season 2 contestant na si Bryan Chong sa kanyang remake ng Himig 11th Edition Best Song na Marupok.

Unang inawit ni KZ Tandingan ang kanta tungkol sa pagiging “marupok” o ang Gen Z term para sa mga taong madaling mahulog pagdating sa pag-ibig. 

Isinulat ito ni Danielle Balagtas para sa Himig Handog at iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos ang bagong bersyon nito. 

Unang nakilala si Bryan sa first season ng The Voice Teens Philippines kung saan pinahanga niya ang mga manonood at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang rendition ng Kahit Kailan noong 2017. Sumabak din siya sa Idol PH at hinirang bilang fourth runner-up noong 2022.

Bilang recording artist, nakapaglabas si Bryan ng iba’t ibang awitin tulad ng Mag-iisa, Di Pa Ba Sapat, at Cut Into Pieces. Naging nominado rin siya bilang Male Acoustic Artist of the Year at New Male Recording Artist of the Year sa 12th PMPC Star Awards for Music. 

KZ TANDINGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with