^

Pang Movies

Sandro, nanginginig ‘pag nakikita ni Niño

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sandro, nanginginig �pag nakikita ni Niño
Niño at Sandro

Nakorner ng media si Niño Muhlach last Wednesday sa wake ni Mother Lily Monteverde sa Valencia.

Eh bago sa Valencia, galing sa Senate hearing si Niño at na­ging emosyonal na paglalahad ng nangyari sa anak na si Sandro Muhlach na walang masyadong detalye na inilabas.

“’Pag nakita mo ang anak ko, nangi­nginig. He’s really devastated,” simula ni Niño.

Nasa NBI si Sandro habang nasa Senate hearing si Niño.

“Sobrang traumatized siya!” sey pa ng aktor.

Nagkaharap na raw sila sa residence ni Ms. Anette Gozon-Valdes.

“Nag-sorry sila sa akin. They were offering to donate certain amount of charitable institution na pipilian.

“Sabi ko sa kanila, ako tao lang ako, kaya kong magpatawad. Ang Diyos nga, marunong magpatawad.

“Pero hindi puwedeng hindi nila pagbabayaran ‘yun!” saad pa ni Niño.

Nagpapasalamat si Niño sa suporta ng mga tao, fans at mga kaibigang nakikisimpatiya sa nangyari sa anak.

Manay Lolit, parang namatayan ng totoong ina

Nakakaiyak din ang Instagram posts ni Manay Lolit Solis kaugnay ng pagpanaw ni Mother Lily.

Nabanggit ni Manay ang maraming tulong sa kanya ni Mother at nagpabago ng buhay niya.

Parang nawalan ng tunay na ina si Manay na kung kakayanin lang marahil na dumalaw sa wake ng producer eh iiyak nang iiyak!

Ipagdasal na lang natin si Mother, Manay, na at peace nang kasama ang minamahal na si Father Remy Monteverde.

vuukle comment

NIñO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with