^

Pang Movies

Matteo at Sarah, tumuturista sa Italy

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matteo at Sarah, tumuturista sa Italy
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Venice, Italy ang mag-asawang Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Sa Instagram ni Matteo, pinost niya ang ilang photos kunsaan feeling tourist sila ni Sarah habang nakasakay sa isang boat at ine-explore ang Grand Canal.

Kasama sa kanilang Venice vacation ay ang pamilya ni Matteo: his dad Gianluca, his mom Glenda, and his brother Paolo.

Binisita rin nila ang bahay ng daddy ni Matteo sa Venice kunsaan ito ipinanganak at lumaki.

Katatapos lang ni Matteo sa tele­serye na Black Rider at regular na siya ulit na naghu-host ng morning show na Unang Hirit.

Bebe girl nila Sef, binyag na

Nabinyagan na ang baby girl ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona.

Pinabinyagan ni Sef at ng kanyang fiancee na si Nelan Vivero si Baby Anya sa same church kunsaan bininyagan ang aktor.

Very intimate lang ang christening ni Baby Anya at present ang close friends and family members nila Sef at Nelan.

Tumayong godparents ni Anya ay sina Iza Calzado, Klea Pineda, Rodjun Cruz, and Kokoy de Santos.

Tom Cruise, magiging highlight ng closing ng 2024 Olympics

Ni-report ng TMZ na may importanteng papel si Tom Cruise sa closing ceremony ng Paris 2024 Olympics.

Ang Mission: Impossible star nga raw ang mag-pass ng Olympic flag to Los Angeles for the 2028 Olympic Games. Magaganap nga raw ang stunt ni Cruise sa Stade de France.

Ayon sa TMZ: “TV broadcast will cut to a previously recorded segment that shows Cruise on an airplane with the Olympic flag, skydiving down to the famous Hollywood sign.”

Noong nakaraang March, namataan si Cruise na inaakyat ang Hollywood sign. Walang may alam na connected iyon sa Olympics.

In avfootage obtained by TMZ: “Cruise was seen passing the flag to an Olympian on a bike. The logistics for Tom’s August 11 stunt in Paris are still being hammered out.”

Hindi ito ang first time niya na na-involve sa Olympics. In 2004, Cruise carried the torch in Los Angeles as part of a global relay for the Athens Summer Olympics.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with