^

Pang Movies

Abogado ni Vhong Navarro at Eat Bulaga, inaabangan kung may magagawa sa kaso ng dalawang GMA execs

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Sumagot na ang dalawang ‘independent contractors’ ng GMA kaugnay ng alegasyon ni Sandro Muhlach na siya ay hinalay ng mga ito. Sumagot sila matapos na pangalanan ng GMA sina Richard Dode Cruz at Jojo Nones.

Mabilis ring nakakuha ng abogado ang dalawa at agad namang nagbigay ng pahayag si Atty. Maggie Abraham Garduque na sasagot lang sila sa mga akusasyon sa tamang lugar oras na matanggap na nila ang notice of complaint.

Si Atty. Garduque rin ang abogado ni Vhong Navarro sa kanyang kaso kay Deniece Cornejo. Siya rin ang abogado ng mga Jalosjos laban sa TVJ nang bawian ng tatlo ang karapatan para sa title ng programang Eat Bulaga.

Siya rin ang nagsabing lalabanan nila ang desisyon ng Korte sa mas mataas na hukuman na hindi na rin naman nangyari dahil isinara na ang show ng mga Jalosjos at maging ang Tape Inc. ay nanahimik na lang. Wala na silang bagong programa sa TV sa kasalukuyan.

Ano kaya ang magagawa ni Garduque para ilusot ang dalawang baklang independent contractors ng GMA lalo ngayong hindi lang pala ang imbestigasyon ng GMA ang inaasahan ng mga Muhlach kundi nagtungo rin si Sandro, kasama ang amang si Niño Muhlach sa NBI para pormal na magharap ng reklamo.

Pero bakit sa NBI at hindi sa isang korte sila nagharap ng kaso lalo’t sinasabing ang dalawang inakusahan ni Sandro ng panghahalay ay malapit diumano sa mga nasa mataas na posisyon sa GMA?

Kung ganun nga naman ang mga kaibigan ng dalawang suspect, tagilid ang lagay ni Sandro.

Kasabay naman niyan, inamin ng singer na si Gerald Santos na idinadalangin niyang makuha ni Sandro ang hustisya “na naging mailap sa akin.”

Sinabi ni Gerald na noong kanyang panahon ay wala siyang nagawa kundi manahimik na lamang, dahil noon ay wala pang social media na maaari niyang paglabasan nga katotohanang nangyari sa kanya. At noon ay mas madaling magpalit ng artista kaysa magpalit na mga independent contractor ang mga network.

Hindi lang naman sa GMA nangyayari ang ganyan, ang kaibahan lang ay “with consent” ng biktima ang ibang nangyari. Marami rin naman ang handang makipagrelas­yon sa mga bakla. Hindi man sila pangakuan ng assignment mula sa network, sinusustentuhan naman sila kaya payag sila sa mga bakla.

Iba’t ibang degrees din ang bigat ng panghahalay. Iba kung hinipuan lamang ang lalaki, o kaya ay hinalay sa karaniwang paraan. Pero sinasabi nga nila mas mabigat talaga kung may kasama pang “penetration,” dahil iyon ay kasukdulan na ng pambababoy sa tao na naging biktima niya.

Dahil sa kaso ni Sandro, sinasabing maraming naging biktima rin ng panghahalay ng mga bakla sa showbiz noong araw pa ang muling nauungkat.

Iyong mga naging biktima na hindi kumibo dahil hindi nila alam kung papaano nila lalabanan iyon, o kaya ay nahihiya dahil sa nangyari sa kanila kaya’t nanahimik na lamang at tiiisin na lang ang pait na minsan sila ay pinagsamantalahan.

Nawa’y makamit nga ni Sandro ang katarungang nararapat.

GMA

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with