^

Pang Movies

Daniel, tinabla ni Amanda

Salve V. Asis - Pang-masa
Daniel, tinabla ni Amanda
Daniel

MANILA, Philippines — Ang bilis ng denial ng daughter ni Mayor Francis Zamora na si Amanda na nali-link kay Daniel Padilla.

Fake news daw ‘yun na ini-upload niya sa social media account niya.

“I kindly ask everyone to stop spreading baseless rumors and fake news where I am in no way asso­ciated with. May we be kinder in words towards one another and practice discernment, especially on the internet,” pakiusap niya.

Nag-umpisang ma-link ang pangalan ni Amanda kay Daniel nang sumabog ang balita na may bago nang girlfriend ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Ayon nga sa mga rumor, si Amanda ang bagong GF ni Daniel.

 Si Amanda ay nakilala nang sumali sa Pinoy Big Brother.

 Kasali siya cast members ng pelikulang Connected at naging parte rin ng interactive series na The Chosen One ng Pie Channel.

Si Kathryn Bernardo naman ay sinasabing nililigawan ng isang mayor, si Lucena Mayor Mark Alcala. ‘Yun nga lang, may iba nang celebrity ex ang nasabing mayor.

Hindi kaya mas bagay si Kathryn kay Victorias City Mayor Javi Benitez na diumano’y split na kay Sue Ramirez na super heartbroken daw sa kasalukuyan?

Pero true bang meron nang new girlfriend si Mayor Javi, isang young female politician na na-link na rin sa ibang kilalang mayor?

Franki, naudlot sa Miss Universe

Sayang naman hindi na makakasali si Franki Russel sa Miss Universe. Kaya naman unpinned na ang sashing ceremony post ni Franki sa kanyang Instagram account.

Binigyan ng titulo ang Filipina-Kiwi actress noong Marso na minsan din na-link kay Presidential son and Cong. Sandro Marcos.

Kinansela nga ng Miss Universe New Zealand franchise holder, House of Yugen, ang kanilang prangkisa para sa taong ito.

Ginawa ng kanilang Managing director Ian Borromeo ang anunsyo sa pamamagitan ng opisyal na pahayag na may petsang Hulyo 30.

 “As a result of our team’s non-compliance with a specific order from the Miss Universe Organization, we have decided to cancel the franchise held by Yugen PR for Miss Universe New Zealand for 2024,” sabi ng holder nito.

Si Franki ay ipinanganak sa isang New Zealander-European na ama at isang Filipina na ina. Lumaki siya sa Dunedin, New Zealand.

Kyle at Grae, may bardagulan

Inuulan ng papuri ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Kyle Echarri at Grae Fernandez sa Pamilya Sargrado matapos makamit nito ang panibagong all-time high record na 598,246 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live kahapon (Hulyo 30).

Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises (Kyle) na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin (Grae) at ang pamilya nito para makamit ang hustis­ya sa pagkamatay ni Roland.

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan sa pangu­nguna ng abusadong vice-president na si Rafael (Piolo Pascual).

Maaari naman mag-iba ang kapalaran ni Moises dahil nalaman ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, na may malaking posibilidad na si Moises ang totoong anak ni Rafael sa dati nitong kabit na si Cristine.

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya?

Paano kaya makakaapekto ang nakaraan ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

Aga, hinihintay sa kontrobersya kay Sandro!

Si Aga Muhlach na lang ang hinihintay na magbigay ng statement o pahayag sa kontrobersya sa pamangkin niyang si Sandro Muhlach.

Ganundin sina Atasha and Andres Muhlach na pinsan ng diumano’y biktima ng panghahalay.

Nauna nang nagbigay ng komento ang ibang kamag-anak nila Niño Muhlach tungkol sa nangyari.

Nakatanggap na rin ng pormal na reklamo ang GMA Network mula sa kampo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractor na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Nag-umpisa ang lahat sa blind item sa diumano’y insider ng GMA dahil alam ang detalye ang mga pangyayari.

Anyway, maraming nagkakalat na kuwento tungkol sa mga pangyayari at may mga detalye.

 Pero totoo bang hindi naman talaga invited sa GMA Gala pero sabi naman ay damage control na lang ito.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with