^

Pang Movies

Scarlet, kasamang nag-recharge sa Maldives!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Scarlet, kasamang nag-recharge sa Maldives!
Belo Fam

Ang bongga naman ng pamilya nina Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang daughter nilang si Scarlet Snow na may pahabol na bakasyon sa Maldives.

Gusto ng mag-asawa na makapag-recharge si Scarlet bago magsimula ang pasukan.

Ipinost nila ang mga litrato nila habang nasa luxury resort sa North Malé Atoll na tinatawag na One & Only Reethi Rah.

Makikitang enjoy na enjoy ang bagets na dino-document ang kanilang beach trip sa Maldives at caption niya sa isa niyang post “One last vacation before school starts!”

Makikita rin ang paglalaro niya sa buhangin kung saan naghukay siya sa hugis puso at doon pala sila magpapakuha ng litrato at video.

“The colors here in Maldives are better than my crayons. God is really an amazing artist!” caption niya pa sa isa pa niyang post na makikita ang ganda ng lugar.

Pati nga si Korina Sanchez ay napakomento sa post ni Hayden na isa rin daw pala ito sa kanyang bucket list.

May nagkomento nga na kilala pala ang lugar kung nasaan sila na ultra luxury hotel sa Maldives.

Bukod nga sa napakaganda ng view sa lugar ay napansin din ng netizens ang ganda ng bagets na paganda raw nang paganda habang nagdadalaga na, na female version daw ng daddy nitong si Hayden.

Ang suwerte talaga ni Scarlet na sa murang edad ay napakarami nang napuntahan. Kamakailan nga ay galing din sila sa Toledo, Spain.

Nagselebreyt naman siya noong March ng kanyang 9th birthday sa pano­nood ng The Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore.

Siguradong makakapag-around the world pa siya habang lumalaki .

Bongga si Scarlet.

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with