^

Pang Movies

Sandro nag-request ng confidentiality, mga akusado may pangalan na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sandro nag-request ng confidentiality, mga akusado may pangalan na!
Sandro

Kahapon, Aug. 1, ay naglabas na muli ng official statement ang GMA Network at ipinaalam na naghain na ng formal complaint sa kanila ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach, panganay na anak ni Niño Muhlach.

Ini-reveal na rin ng network ang pangalan ng dalawang gays na inirereklamo ni Sandro.

Nakasaad din sa statement na bago pa man natanggap ng network ang pormal na reklamo ay nagsagawa na rin sila ng kanilang sariling imbestigasyon.

Base na rin sa request ni Sandro, magiging confidential umano ang lahat ng detalye sa isinasagawang imbestigasyon hanggang sa ito ay matapos.

Nangako rin ang GMA na isang masusi at patas na imbistigasyon ang kanilang isasagawa.

Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA network:

“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.

“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.

“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.

“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”

Matatandaang nagsimula ang isyu two weeks ago matapos ang GMA Gala 2024. May mga blind item na lumabas tungkol sa  bagitong aktor ang diumano’y pinagsamantalahan ng 2 powerful gays ng isang network.

Nag-trending ang balita at mainit na pinag-usapan sa social media and online platforms. Mismong netizens ang nakahula na si Sandro ang tinutukoy sa blind items at nabanggit na rin ang GMA network gayundin ang pangalan ng 2 gays.

Last Tuesday ay naglabas ng official statement ang GMA 7 at nangako ng balanse’t masusing imbestigasyon hinggil sa bagay na ito.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sa publiko ang kampo ni Sandro tungkol sa totoong nangyari although naglabas na rin ang ama niyang si Niño Muhlach ng pahayag without mentioning the details.

Naglabas na rin ng kanyang galit ang misis ni Onin na si Diane Abby Tupaz sa socmed at humihingi ng hustiya sa ginawang aniya’y ‘kababuyan’ sa kanilang anak.

TVJ, nagpaliwanag sa maliit na anniv celeb

Ipinaliwanag nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon (TVJ) kung bakit hindi na sila sa malaking venue nag-celebrate ng Eat Bulaga’s 45th anniversary nitong nakaraang Martes, July 30.

Marami raw kasi ang nagtatanong sa kanila kung wala ba silang inihandang malaking show for their 45h anniversary tulad ng dati na ginaganap pa sa malalaking venue tulad ng Philippine Arena, Mall of Asia, Araneta Coliseum and the likes.

Ayon kay Vic, talaga raw nagplano sila ng malaking show para sa kanilang anibersaryo pero hindi nila itinuloy dahil mas marami pa raw silang dapat unahing mas importanteng bagay.

Aniya, may tatlo raw dahilan kung bakit mas pinili nilang hindi na gumastos pa sa malaking venue.

“Una na diyan, dahil po sa hamon ng panahon, mas mahalaga na magpadala tayo ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo,” sey niya.

Dagdag ni Tito Sen, kaya raw maghahatid sila ng bigas at iba pang pangangailangan sa mga kababayang nalubog sa baha.

“Isa pang dahilan, karapat-dapat sigurong magtulungan tayo upang ibangon ang kabuhayan ng mga pamilya na gustong makaahon araw-araw,” saad ulit ni Bossing.

Dagdag ni Joey, “ang ‘Dear Eat Bulaga’ po ay maghihintay sa mga liham n’yo, sulat, tungkol sa mga pangkabuhayan ninyo. Mga negosyo po na gusto ninyong simulan, ibangon o palaguin.”

Sa halip, ayon kay Vic, ang budget para sa ibang big show ay inilalaan nila para sa mas makabuluhang bagay.

“’Eto na ang pinakamahalagang dahilan. Ang budget para isang big show ay gagamitin na lang para pangtaguyod ng pangarap ng pamilya at kabataan.

“Sa 45th anniversary, muli nating sisimulan ang college scholarship para sa 30 college students,” anunsyo ni Bossing.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with