^

Pang Movies

Mark, mamarkahan ang 21st Anniv

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Mark, mamarkahan ang 21st Anniv
Mark

GMA and Viva singer, actor-host na si Mark Bautista ay naghahanda ngayon sa kanyang nalalapit na concert na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa darating na Aug. 31, Saturday at 8 p.m. Pinamagatang Mark My Dreams, makakasama niya as special guests sina Regine Velasquez, Arthur Nery, Suklay Diva na si Katrina Velarde at ang singer-composer na si Rob Deniel. Ito’y pamamahalaan ni Direk GB Sampedro with Nico Rivero as musical director.

Ang Mark My Dreams ay magsisilbing (belated) birthday and 21st anniversary concert ni Mark that will showcase his over two decades in the entertainment business.

Malayo na nga ang narating ni Mark matapos siyang tanghaling 2nd placer or 1st runner-up to Popstar Sarah Geronimo sa 2013 Star for A Night reality singing competition. Sabay rin silang lumagda ng management contract with Viva Artists Agency na siyang nagpabago ng takbo ng kanilang mga buhay.

Aminado ang singer, actor at host na marami rin umano siyang pinagdaanang pagsubok in his 21 years in this business pero mas pinasasalamatan niya ang patuloy na blessings na dumarating sa kanya.

Ilan sa highlights sa kanyang over two decades in the business ay ang kanyang pagiging second runner-up kay Sarah, ang kanyang paglagda ng kontrata with Viva, ang kanyang pagbibida sa pelikulang Lastikman, ang kanyang paglaban ng kanyang librong pinamagatang Beyond That Mark, maging ang kanyang pagiging bahagi ng kanyang kauna-unahang international stage actor sa musical play na Here Lies Love sa Royal Theatre in London in 2014 na nagkaroon ng rerun off-Broadway in Seattle in 2017, maging ang kanyang pagiging bahagi ng ASAP ng ABS-CBN at sa musical variety show ng GMA, ang All Stars Sunday.

Niño, may mga abogado na

Alam mo, Salve A., makailang subok kong tinatawagan ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach maging ang wife ngayon ni Onin (Niño) na si Diane ay hindi rin sumasagot. It must be really hard kung anuman ang pinagdaraanan ngayon ng pamilya dahil sa ginawa ng dalawa diumanong writers ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa Kapuso young actor, ang panganay na anak ni Onin sa kanyang ex-wife na si Edith Millari na may bago na ring pamilya at naka-base sa New York City, USA.

For the past few days ay hindi ko sinusulat ang paksang ito dahil gusto naming personal na makausap ang mag-amang Onin at Sandro, na itinuturing naming anak-anakan including former child actor Alonzo Muhlach na teenager na ngayon.

Gayunpaman, nauunawaan namin ang pinag­daraanan ngayon ng pamilya at ito’y nirerespeto namin until such time na maging bukas na sila sa publiko kung ano ang kanilang mga plano.

Although nanggaling sa ibang sources, kumuha na raw ng legal counsel ang pamilya Muhlach para magsampa ng kaso against the two na gumawa ng hindi kanais-nais sa young Sparkle artist.

Had it been just an ordinary young actor ay baka nagsawalang-kibo na lamang ito.

Ang ginawa sa kanya ay maaaring gawin ng dalawa o ninuman sa iba kaya magsisilbing itong eye-opener para matigil na rin ang ganitong kababuyan at pagti-take advantage sa mga kabataan.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with