Jinkee, wagas pa rin ang pagiging shopaholic?!
Parang naka-quota si Jinkee Pacquio ng shopping sa Japan.
Ang dami niyang upload na nasa shopping area sa Tokyo, Japan.
Bumalik nga si Manny Pacquiao sa boxing ring noong Linggo ng umaga sa Japan para labanan ang isang kickboxer na nagngangalang Rukiya Anpo sa isang exhibition bout.
Ang resulta ng laban ay isang draw.
Kaya naman andun sa Japan ang kanyang buong pamilya.
Pero kahit daw draw ang resulta, diumano’y ang laking pera nang kinita ni Manny sa nasabing laban kaya pwede talagang mag-unlimited shopping ang misis na si Jinkee na nagpapa-low key na ngayon.
Batang pulitiko, literal na tinatapon ang pera ‘pag nagpa-party
Ibang klase palang magpa-party ang anak ng sikat na pulitiko.
Nagpapaulan daw ito ng datung.
Pulitiko rin itong anak na ito ng sikat na pulitiko na pag natutuwa raw sa party, literan na nagpapaulan ng datung.
Na hinayang na hinayang daw ang bandang tumutugtog dahil hindi sila pwedeng bumitiw sa mga hawak nilang instrumento habang nagpapaulan ng libu-libong papel ang batang pulitiko.
Kaya ang ginawa raw ng mga miyembro ng banda, nung sumunod na na-invite sila na tumugtog sa party ng pulitiko, nagbibit sila ng mga kasamang pwedeng mamulot ng pera na hinahagis sa mga bisita.
Ang saya naman ng ganung party. May paulan ng datung.
Mahilig daw sa party ang pulitikong ito at iba ang energy pag maraming bisita.
Jose Mari Chan, may back up para maging National Artist
One hundred years old na pala sana this year ang tinuturing na pioneer ng Filipino philosophy na si Fr. Roque Ferriols (namatay siya noong August 15, 2021 sa edad na 96 years old) na minsang nagpatalsik ng mga espiritu sa condo ng legendary singer na si Basil Valdez.
Kilalang “Father of Filipino philosophy” ang legendary Ateneo de Manila University Professor, ay naging professor at nagbigay din ng inspirasyon sa maraming estudyante, kabilang na sina TV5/PLDT/Smart Communications CEO Manny V. Pangilinan, Cardinal Tagle, Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David, atbp.
At a recent symposium celebrating Fr. Ferriols’ 100th birth anniversary sa Ateneo, naibahagi nga Prof. Dr. Manuel Dy ang isang heartwarming story tungkol sa singer na si Basil Valdez na minsan din palang ginulo ng espiritu ang tinitirhang condo.
Kaya hindi lang mahusay na philosopher si Fr. Ferriols.
Ang nasabing symposium na pinamagatang The Story of the Wheelwright: The Influence of Chinese Philosophy on the Thought of Fr. Roque Ferriols, ay co-organized by the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), led by President Dr. Cecilio K. Pedro (who was abroad) and represented by EVP Victor Lim.
The symposium highlighted Fr. Ferriols’ inspiration from ancient Chinese philosophers like Chuang Tzu (Zhuangzi).*
Ayon sa ilang nakakakilala kay Fr. Ferriols, ang rebolusyonaryong hakbang ni Ferriols noong 1969 na magturo ng pilosopiya sa Filipino noong panahon na ang Ateneo ay pinangungunahan ng mga American Jesuit at ang mga klase ay nasa Ingles ay isang matapang na pampulitikang pagkilos. At ang kanyang pagsasama-sama sa Eastern and Western philosophies, lalo na ang kanyang pagpapahalaga sa karunungan ng tao, ay nagpayaman sa kanyang mga turo ng pilosopiyang Pilipino.
Gustung-gusto rin diumano ni Fr. Ferriols ang musika, grabe raw paghanga nito sa Beatles, at ang Let It Be ang isa sa sa kanyang mga paboritong kanta.
Ang FFCCCII ay business and civic organization na sumusuporta rin sa pagpapaunlad ng kulturang Pinoy, tulad ng Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), at pinararangalan din ang mga natatanging artistang Pilipino na may pamana ng Tsino tulad ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ricky Lee, singer and composer na si Jose Mari Chan at beauty queen/actress na si Michelle Dee.
And speaking of Jose Mari Chan, ni-nominate ng FFCCCII si Jose Mari upang maging National Artist.
“Bago nag-pandemic sumulat sa Presidente (Duterte) ang FFCCCII para iapelang gawing National Artist si Jose Mari. At ngayong taon gusto ulit nilang sumulat pero may ibang tao na nag-nominate kay Jose Mari Chan kasi ang kanta niya naman talaga niya hindi lang pang elite. Lahat ng tao kahit na sino, na-inspire kay Jose Mari Chan at magaganda ang music niya,” sabi ni Wilson Lee Flores na spokesperson ng nasabing samahan ng mga Fil-Chineses businessmen.
Pero may nag nominate din kay Lea Salonga? “Mayroon yata pero hindi ko alam kung sino pero napakagaling ni Lea Salonga dapat din siyang maging National Artist.”
Eh si Regine Velasquez meron din nagsasabi na pwede siyang maging National Artis : “Magaling din. Pero hindi naman pwedeng sabay-sabay sila. Ang narinig kong kwento ang mga ibang tao gusto nila mas may edad konti kasi kapag may edad ilang taon na lang sa buhay niya,” paliwanag ni Wilson.
True naman, in terms of age at popularity, iba ang isang katulad ni Jose Mari Chan na ngayon pa lang ay inihahanda na ng netizens para sa pagsalubong sa ber month.
- Latest