^

Pang Movies

Heart, nahanap ang pamilyang iniyakan ang ulam

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Heart, nahanap ang pamilyang iniyakan ang ulam
Heart Evangelista
STAR/ File

Ang bongga naman ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista na nagkaroon ng reunion sa isang pamilya na kanyang nabisita noon sa reality show niyang Follow Your Heart.

Tinanggap ng misis ni Senate President Chiz Escudero noon ang hamon na alagaan ang mga bata sa pamilya Asuncion. Ipinagluto niya ang pamilya ng ulam na may dalawang lata ng sardinas kung saan nilagyan ng sahog na gulay at maraming tubig. Doon ay hindi napigilan ng aktres ang maging emosyonal.

Isa pala ito sa tumatak sa kanya at hindi niya nakalimutan ang nasabing pamilya. Dito kasi niya nakita na kahit sardinas lamang ang ulam ng mga ito ay masaya pa rin sila.

Ipinost nga niya sa TikTok ang muli nilang pagkikita ng pamilya Asuncion.

“After changing numbers and not seeing each other in so long … faith has brought us all back together.
“It was so nice being with the Asuncion Family,” caption nito.

Merong netizen ang nagtanong kung typo lamang daw ba ang “faith” sa caption nito at hindi raw ba dapat “fate” pero sinagot ito ni Heart ng “Faith. Prayers”

Paliwanag pa niya ay matagal daw pala niyang pinahanap ang mga ito pero wala na ang mga ito sa dati nilang bahay dahil nagiba na.

Kaya naman humanga sa kanya ang netizens dahil napakaganda raw talaga nito inside and out.

vuukle comment

CHIZ

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with