^

Pang Movies

Alden, sinagot ang intriga sa lovelife

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, sinagot ang intriga sa lovelife
Boy Abunda at Alden Richards.
STAR/ File

Sinagot ni Alden Richards ang estado ng lovelife niya ngayon sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday.

Diretsong tanong ng host na si Boy Abunda, “kumusta ang love life mo?”

Sey ni Alden, “sa ngayon, tito Boy, in all honesty naman, I’m enjoying my time.”

Dagdag pa ng aktor, magpapa-presscon daw siya kapag ia-announce na niya officially kung sino ang kanyang girlfriend. “’Eto na lang, just to, you know, like settle this question, magpapa-presscon ako, tito Boy, kukunin kitang host ‘pag mag-a-announce na po ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” sabi ni Alden.

Sagot naman ng King of Talk, “promise ha?”

Pagkumpirma naman ni Alden, “promise, tito Boy.”

Sey ulit ni Kuya Boy, “I will host that press conference.”

Well, sa ngayon ay isang babae lang ang nali-link kay Alden at ito ay ang lea­ding lady niya sa 2019 blockbuster film na Hello, Love, Goodbye at ngayon ay sa sequel nitong Hello, Love Again na si Kathryn Bernardo.

Sa naturang panayam ni Alden sa Fast Talk, wala pa ring malinaw na sagot ang aktor tungkol sa real score nila ni Kathryn.

Samantala, nakarating na si Kathryn sa Canada para sa shooting ng Hello, Love Again base sa kanyang Instagram post habang si Alden naman umalis na kahapon (Saturday) patungo sa nasabing bansa.

Rhen, kakasuhan ang KimPau fans?!

Kung hindi titigil ang mga below the belt na mga tira kay Rhen Escaño ng fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay may posibilidad na magsampa ang aktres ng kasong cyber libel.

Katakut-takot na pangba-bash kasi ang nararanasan ngayon ng Viva actress dahil sa tsikang siya raw ang secret girlfriend ni Paulo.

Ayon sa manager ni Rhen na si Aster Amoyo ay wala raw katotohanan ang nasabing tsismis. “Hindi talaga totoo. Wala siyang kinalaman kay Paulo Avelino at all. Hindi sila close, I don’t know if there’s even an occasion na nagkasama sila. Basta siya na lang ang pinagdiskitahan (ng fans). Siya raw ang sikretong girlfriend ni Paulo na hindi naman!” sey ni tita Aster.

Sobrang tindi ng bashings kay Rhen na sey nga ng manager ay bastusan na talaga even to the point na pati ang sexy clips ng aktres sa pelikula nitong Adan ay ipino-post pa.

“Bastusan na, eh. Sana, alamin muna nila ang totoo bago sila maging judgmental sa tao. Kasi ‘yung bata, apektado. Umiiyak na si Rhen dahil hindi na ito maganda,” sey ni Tita Aster.

Awang-awa na nga ang manager kay Rhen na natitira gayung wala naman itong ginagawang masama. Kaya naman nanawagan siya sa KimPau fans na tigilan na ang aktres.

Hiling din ng manager na sana ay magsalita si Paulo para malinis naman ang pangalan ni Rhen.

“Sana, magsalita rin siya. Para i-clear naman ang pangalan ni Rhen para hindi naman masisira ‘yung bata. Wala siyang kinalaman, eh,” saad ni Tita A.

Pinag-iisipan pa raw nila kung magsasampa ng cyber libel case laban sa bashers.

“Sobra nang nasasaktan si Rhen. Ginagawa lang niya ang kanyang trabaho and she’s a very good actress. Binibigay niya ang kanyang all para ma-justify niya ang whatever role na binibigay sa kanya tapos sisirain lang siya nang ganu’n. ‘Wag naman,” pakiusap ng manager.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with