^

Pang Movies

Michael, inatake ng anxiety sa gitna ng baha; Mga bagong housemate ni Kuya, nabiktima ng Carina

Salve V. Asis - Pang-masa
Michael, inatake ng anxiety sa gitna ng baha; Mga bagong housemate ni Kuya, nabiktima ng Carina

Gerald, bayaning-bayani ang naging imahe

MANILA, Philippines — Talagang maraming pinerwisyo at winasak ang bagyong Carina.

Ang mga underpass, nag-mistulang swimming pool na nilanguyan ng mga nagtatalunan na tao.

At grabe ang basurang iniwan nito. Hindi lang basta mga basura, tone-tonelada.

Kasama rin sa mga na-stranded ang veteran actor na si Michael de Mesa na dumanas na ng anxiety dahil sa tagal sa loob ng kotse.

Aniya sa kanyang unang post : “Packed up at 2:30pm (Wednesday) and have been stranded here for 5 hours. The roads are impassable due to waist-deep flooding, and my car has malfunctioned from the water I had to drive through earlier. It’s nighttime now, and I haven’t eaten. I guess we definitely shouldn’t have gone to work today.”

Hanggang inabot na siya ng 17 hours at gustung-gusto na raw niyang umuwi.

“Stranded for 17 hours now coming from taping yesterday. Naiiyak na ako. The tow truck can’t get through, and my anxiety is kicking in. I just want to go home.”

Pero bandang hapon kahapon ay nakuha na ang sasakyan niya. “Finally being towed after more than 22 hours of being stuck. Maraming salamat, NJP Towing! A heartfelt thanks to everyone who reached out, sent assistance, and shared their heartfelt messages. I deeply appreciate your kindness and support. My thoughts and prayers are with those in more difficult situations. Stay safe, everyone.”

At bayaning-bayani ngayon si Gerald Anderson.

Kung sabagay hindi kasi talaga siya natakot lumusong sa baha at tumulong sa isang bata na na-trap dahil sa mataas na tubig sa Barangay Sto. Domingo habang nanalasa ang bagyo.

At hindi rin naman niya ipinost kaya parang mas bumilib ang marami.

Anyway, binaha rin ang sikat na bahay ni kuya.

Kakapakilala pa lang sa bagong batch ng housemates na handang ipamalas ang kanilang sarili para tanghaling susunod na Big Winner sa bagong season ng long-running ABS-CBN reality competition na Pinoy Big Brother Gen 11, pero inabot na kaagad ng baha.

Mula sa 35,906 na nag-audition sa mga on-ground at online search nito, 15 ang natira para makapasok sa PBB house.

 Noong isang linggo, inanunsyo sa StarHunt: The Audition Show ang unang lima na papasok sa bahay ni Kuya.

Kasama sa mga unang hinirang ay ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” Therese Villamor, ang “Astig Volleybae ng Pampanga” Dylan Yturralde, ang “Maabilidancing Dong ng South Cotabato” Binsoy Namoca, ang “Singing Gwapa ng Cebu” Kai Montinola, at ang “Charming Crooner ng London” Jarren Garcia.

Sa premiere naman ng PBB Gen 11 nitong Sabado (Hulyo 20) ipinakilala ang natitirang hopefuls na sina “Sporty-Go-Lucky Kuya ng Camarines Norte” Marc Nanninga Jr., “Cheerfu-Langga ng Cebu” Rain Celmar, “Lola-loving Apo ng Occidental Mindoro” Kanata Tapia, “Ma-cute-lit na Raketera ng General Santos” Kolette Madelo, at ang “Poginsyanong Pilo-ToBe ng Quezon” JM Ibarra.

Sumunod naman sina “Optimistic Ate ng Dumaguete” Jas Dudley-Scales, “Mombitious Chikadora ng Lithuania” Noime Steikunas, “Seamanluluto ng Bacolod” Brx Ruiz, pati ang 2-in-1 housemates nitong sina “Charismatic Partner ng Taguig” Dingdong Bahan at ang “Go-Getter Partner ng Manila” Patrick Ramirez.

Sa loob ng 100 araw, mapapasabak ang housemates sa mga bagong task ni Kuya na susubok sa kanilang karakter, katatagan, at pakikisama sa isa’t isa. Pero sa kanilang pagpasok, isang hamon agad ang sumambulat sa kanila matapos anunsyuhin ni Kuya na house guests pa lamang sila at 11 lang ang pwedeng hiranging official housemates.

Samahan ang hosts nitong sina by Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez na alamin ang mga kaganapan sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Gen 11 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Mapapanood din ito tuwing Sabado, 8:30 PM, at Linggo, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Samantala, ang dami ngayong nangangalap ng mga donasyon. Pero maging maingat din tayo sa pagbibigay dahil baka may ibang nag-iisip ng hindi maganda.

Sa mga legit lang tayo mag-donate.

Heroic finale ng Black Rider, inaabangan!

Tiyak masasagot na ang mga katanungan ng mga Marites ukol sa matinding finale ng Black Rider ngayong Biyernes!

Ang tanong ng marami, sino nga kaya ang ama ng anak ni Vanessa (Yassi Pressman)? Bagamat nabihag na ni Calvin (Jon Lucas) si Vanessa at ang sanggol, sisiguruhin pa rin ni Elias/Black Rider (Ruru Madrid) na ang katotohanan ang mananaig.

 Malaking palaisipan din kung mapapatumba na nga ba ng mga vigilante si Calvin ngayong nawala na rin sa eksena si President William (Roi Vinzon). Manaig na kaya ang kabutihan sa bayan sa tulong ni Black Rider?

MICHAEL DE MESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with