^

Pang Movies

Aktres na nabastos sa isang event, ‘di man lang nakatanggap ng apology

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Feeling nabastos ang isang aktres nang dumalo sa isang malaking event na katatapos lang.

Produkto ng isang talent search ang aktres. Pinili niyang talikuran ang showbiz upang asikasuhin ang pamilya.

Eh nang payagan ng asawang bumalik sa pag-aartista, tinanggap muli siya ng kanyang network at pinapirma pa ng kontrata.

Nung nagkaroon ng event ang network niya, inimbita siyang dumalo. Nagpagawa siya ng mamahaling gown at kumuha pa ng kuwarto sa isang hotel na malapit sa venue kasama ang kanyang glam team.

Eh nang duma­ting si aktres sa event, aba, naloka siya nang sabihan siyang wala siyang seat sa table ng namamahala sa registration!

May tinawagan ang aktres. Eh nang mainip at mabuwisit sa kahihintay, hindi na tinapos ng aktres ang event at umuwi na lang!

Pero wala man lang siyang natanggap na apology sa kinahinatnan niya, huh!

Kilala kasing hindi mataray o confrontational ang aktres kaya tumahimik na lang siya!

Kapalaran ni Marian sa balota, inaabangan

Ayaw pa-pressure ng director na si Kip Oebanda sa sigaw ng netizens na dapat maging best actress si Marian Rivera para sa movie nilang Balota na mapapanood sa Cinemalaya next month.

Eh nang ilabas ang trailer ng movie, todo papuri ng nakapanood nito lalo na sa cast at bidang si Marian.

Sa interview kay direk Kip, pinagbuti nilang lahat ang paggawa ng Balota at nasa kamay ng jurors ang kapalaran ni Marian, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with