^

Pang Movies

‘I live by the day’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�I live by the day�
Lolit
STAR/ File

Siguro dahil sa edad kong 77 kaya grabe na minsan ang nararamdaman kong panghihina.

I live by the day kumbaga, pag maganda ang gi­sing sa umaga, sige rampa. Pag hindi ok, nood na lang ng TV buong maghapon at higa-higa lang.

Kung minsan nga pag grabe ang nararamdaman kong hina ng katawan kaya naiisip ko na kailangan pa ba patagalin ito?

Kasi I believe in the quality of life. Kundi na maayos, bakit pa?

I can say that I have lived a wonderful life. Na enjoy ko na lahat ng gusto kong gawin.

Napuntahan ko na ang mga gusto kong puntahan.

In my journey, I am thankful na natagpuan ko ang mabubu­ting tao at naging friends. No regrets, nothing.

Talagang all gratitude lang ang puwede kong sabihin dahil ang ganda ng naging buhay ko.

Imagine na ako ang klase ng tao na either you like or you hate. Kaya may mga solid akong friends at meron din ugly fat ladies na ayaw sa akon.

Keber iyan ang paborito kong salita sa mga nagaganap sa buhay ko. Ganun lang dahil ayaw ko na mabigat sa balikat ko ang kahit anong nangyayari.

Basta as far as now, life was so good to me. Thank you, Lord, talagang mahal mo ako. Forever Thankful.

Hay naku tama na ang emote.

Basta maging masaya na lang tayong lahat sa lahat ng natatanggap nating biyaya.

Pero bago naman sumama na naman ang pakiramdam ko, napuntahan ko ang event ng Beautederm ni Rhea Tan.

Isa sa pinaka-mabait, sweet at very generous si Rhea Tan sa mga naging friend namin na hindi taga-showbiz. Talagang sa sandaling panahon nakuha niya ang puso ng mga taga-showbiz.

Naging Ms Friendship siya sa lahat. At sa pagi­ging kind niya, napakarami niya talagang natulungan. Kaya naman kahit ano ang affair ng Beautederm, blockbuster dahil nga love siya ng mga showbiz editors and writers.

Imagine mo ang katuwaan ng mga nanalo sa raffle na feeling namin inubos niya ang laman ng kanyang AList store sa Angeles.

Suwerte nga ni Jennylyn Mercado na bago niyang endorser dahil all out ang suporta sa kanya ni Rhea Tan. Bongga ang venue, top of the line ang food, grande ang mga premyo at talagang pati ang loot bag ipagmamalaki mo.

Bongga talaga.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with