^

Pang Movies

Herlene, popular at viral sa pagkahulog sa stage; Marian at Heart, mga totoong dyosa ng red carpet!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Herlene, popular at viral sa pagkahulog sa stage; Marian at Heart, mga totoong dyosa ng red carpet!
Herlene Budol

Sweet sina Marian Rivera and Heart Evangelista sa GMA Gala nung isang gabi na ginanap sa Marriott Grand Ballroom.

Hindi lihim sa showbiz ang nakaraan nila kumbaga.

Bagama’t hindi nila in-elaborate kung ano ‘yun o nagbigay ng detalye sa pinag-umpisahang intriga noon, hindi na ‘yun naungkat ngayon.

Wala rin naman silang sinabing masama sa isa’t isa kahit anong panggagatong ng marami.

Matagal na silang naging ok pero ngayon lang nakitang magkasama ulit sa isang frame.

Anyway, sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso Primetime King and Queen ang isang cinematic reel na patunay ng kanilang todong on and off-screen chemistry ng mister, Dingdong Dantes.

Makikita sa video sina Marian at Dingdong sa isang rewind loop, na nagsimula sa isang steamy bed scene na sinundan ng backward motion ng pagsusuot ng kanilang mga outfit para sa GMA Gala 2024. Parang short film.

 “Rendezvous,” lang ang caption ni Marian sa video.

Sa comments section, napa-“Wow” si Heart, na sinagot ni Marian ng, “See you again soon.”

As always, iba ang dating ni Marian sa black gown with silver floral accents by Nicole + Felicia habang si Dingdong ay suot ang classic black suit and a bow tie by Stefano Ricci.

Isa naman si Heart sa mga inabangan sa nasabing event na suot ang Giambattista Valli couture na isang white gown na may mga gem at may floral accent sa leeg.

Sinamahan ang Global Fashion Icon ng kanyang asawa, si Senate President Chiz Escudero, na naka-black suit at bow tie na gawa ni Michael Leyva.

Marami namang napahanga sa Millennial It Girl Gabbi Garcia sa kanyang Rick Owens gown. Kakaiba, pero pang-Miss Universe ang naging dating niya. Aniya sa post “Supernova. Wearing Rick Owens Fall/Winter ‘22.”

Pero ba’t kaya si Bea Alonzo, balot na balot sa puting gown na may accent sa may bandang hips. Hindi tuloy siya gaanong napansin dahil long sleeve na, turtle neck pa ang suot. Sayang naman na pumayat pero binalot naman siya.

At ang talagang umagaw ng eksena si Herlene Budol na nahulog sa stage habang rumarampa ng Birth of Venus masterpiece na gawa ni Leo Almodal at ibinase sa painting ng Italian artist na si Sandro Botticelli in 1480s.

Kitang-kita sa video ang pagkahulog niya na ikinagulat ni Barbie Forteza na nagtatakbo papalapit sa kanya para tulungang tumayo ang sexy star.

Dahil dun, naging popular sa social media si Herlene.

Pero may mga nag-iisip na ito ay scripted.

Wala namang Jennylyn Mercado na rumampa. Nauna nang nabanggit ng actress na wala pa ulit siyang kontrata sa GMA 7 at ayon sa usap-usapan, ni-negotiate pa ang talent fee niya.

Nakita namang pinaghandaan ng Kapuso stars ang nasabing Gala, pero hindi lahat ay napansin.

Marian, nakalabas ng kahon!

Speaking of Marian, “Thank you Lord” ang sagot ng aktres sa tanong kung nabibilang pa ba niya ang mga ini-endorse niya.

Pansin nila kasi parang lahat na ng bahagi ng katawan niya, may endorsement? Napakaswerte.

“Oo naman, oo naman. Kapag naiisip ko rin iyan sinasabi ko talaga na thank you Lord sa lahat ng blessings talaga. Sobrang grateful talaga ako sa kung ano man nangyayari sa buhay ko. At 40 ha this coming August,” aniya sa ginanap na media launching ng NekoCee vitamin C by Kath Melendez.

Hindi rin niya nararamdamang 40 na siya.

“Okay lang, wala namang masama sa pagiging 40. Tapos may dalawang anak pa ako.”

Masasabi ba niyang wala na siyang mahihiling pa sa kasalukuyan?

“Actually ang lahat namang ito ay ginagawa ko at siguro for sure si Dong ‘yun din ang sasabihin niya para sa mga anak talaga namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa. Pero bilang isang magulang, wala ka naman gustong at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ‘yung buhay nila,” sagot niya sa mga andung entertainment media.

Pero sa sarili niya, sa ngayon nakuha na rin ba niya?

“Parang nasagot na nga iyan ng (Cinemalaya movie) Balota eh. Kasi sabi ko sa ginagawa ko in showbiz parang soap opera, mga pelikula. Pero hindi ako nabigyan ng chance na makalabas sa box ko o kung dun sa... alam mo ‘yun, sa comfort zone ko. Parang ito dahil sa Balota, nabigyan nila ako ng chance na ibigay ‘baga sa akin ‘yung hindi ko pa nagagawa,” pahayag niya pa noong Friday.

Ano ‘yung sobrang nakaka-excite sa’yo sa Balota?

“No filter talaga lahat eh. ‘Pag sinabi kong no filter, itsura, lines at mga ginagawa, lahat talaga, raw.”

Deglamorized siya sa pelikula, na ngayon lang niya nagawa, bilang isang teacher.

“Ayun nga ‘yung gusto ko para something new naman for me. Kasi gusto ko talaga ‘yung something iba na hindi ko nagagawa. So ito iyon ginawa ng Balota.”

Dahil dyan, nagkapasa-pasa ka, peklat, sugat etc.?

“Oo, pero gagaling naman ‘yan. Okay lang ‘yan.”

May ganun talaga kahirap na mga eksena?

“Ang dami kasing mga eksena, baka masyado na akong nagbibigyan ng information. Actually sa tambayan kung sumusunod kayo sa aking feed doon, medyo nag-share ako ng tatlong pictures lang naman ng mga nangyari sa ‘kin doon pero tatlong picture lang pero napakarami pa nu’n.”

Ibang-ibang talaga ‘to? “Pagkatapos ng Rewind, ang dami nilang napulot na aral. Sa bawat pupuntahan ko, parang ‘yun ang sinasabi nila about Rewind. Alam mo ba may wake up call para sa akin, pinuntahan ko ‘yung nanay ko, parang ang daming ganun. Parang sabi ko, sa sarili ko, ang gandang gumawa ng isang pelikula na paglabas ng sinehan, may matutunan sila, kumbaga may makukuha sila. Dito sa Balota, ganundin ang mangyayari sa kanila.”

Aniya kahit mismong siya, maraming nakuha.

“Kasi parang akala mo lang, ikaw mag-isa ka, parang feeling mo ‘yung boto mo, wala lang dahil mag-isa ka pero hindi. Dahil sa oras na mga botohan, parang lahat tayo pantay-pantay ‘yung boses natin, na kailangan talaga.”

Hindi pa niya napapanood nang buo ang pinaghirapang pelikula. Gusto raw niya sa big screen na.

Ipinakita sa teaser nito kung paanong ‘buwis-buhay’ ang nagagawa ng isang guro tuwing magkakaroon ng eleksyon.

Nauna na ngang napuri sa Marian ng kanilang direktor, si Kip Oebanda: “She’s very daring when it comes to what she’s willing to do physically. Umakyat ng puno, pumunta sa mga ugat-ugat ng puno na putik-putik, nasugatan, nadapa.”

Mas pinili rin daw gamitin ng aktres ang actual 2007 ballot box, kung saan niya nakuha halos lahat ng sugat at galos sa buong pelikula.

Samantala, aminado si Marian na ma-vitamins siya lalo na nga turning 40 na siya. “Oo eh, hindi pwedeng hindi. Sa trabahong ito ang kailangan talaga, ang pundasyon mo talaga ay bitamina, vitamins talaga.”

Kaya naman impressed sa kanya si Kath Melendez, ang owner ng NekoCee vitamin C. “Every time na nakikita ko si Miss Marian, nai-starstruck talaga ako. Natutulala ako sa kanya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya na pinagkatiwalaan niya kami, na tinanggap niya ang product namin.

 “Alam naman natin si Miss Marian, na very professional siyang magtrabaho, na sinasapuso talaga niya ang work niya! Na kapag kaya talaga niya, ginagawa talaga niya,” sabi pa ni Kath na pretty and sexy rin.

vuukle comment

HERLENE BUDOL'

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with